Hugot 14

1K 56 1
                                    

"Guys, nawawala 'yung pera ko. Sayang 500 pa naman 'yun! Hawak ko lang 'yun kanina e bigla na lang nawala! Ugh!" Sabi ni Trish

"Hanap hanapin mo, baka nahulog mo lang d'yan."
Sabi naman ni Cathy

"May mga bagay talaga na kaya nawawala, hindi para sa'yo. Kagaya sa buhay natin. May mga taong darating, pero hindi naman sila ang nakalaan para sa'tin. Parang nakidaan lang sila pero sobra nating pinahalagahan. Kaya 'pag nawala sila sa'tin, sobrang sakit."

"Naman Cindy e! Imbes na humugot ka d'yan, tulungan mo na lang kaming maghanap."

"Ayoko nga. Bleh!"

Umalis na ako dun. Tssss. Napaka burara kasi n'yan ni Trish kaya madalas nawawalan ng gamit.

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon