Nandito pa rin kami kina Janna. Kasi nga di'ba nagawa kami ng report. Walang katapusang report. Tch.
"Guys, bili lang kami ng makakain ha. Wait lang." Sabi ni Xian
"Sige, basta dalian n'yo lang at ng matapos na 'to. Medyo marami rami pa ang kulang sa report natin." Sabi ko naman. Mwehehehe. Keshi nemen eh!
"Marami pang kulang? Sa report marami pang kulang, pero alam mo ba sa buhay ko, ikaw lang ang kulang Cinds." Sabi ni Vince
Binatukan naman kaagad s'ya ni Xian saka sinamaan ng tingin.
"Ewan ko sa'yo Vince. Lumabas na nga kayo." Sabi ko sabay irap. Para kasing ewan si Vince.
Binalik ko na ulit ang tingin ko sa laptop para magtype ulit.
"Janna, alisin mo na 'yan. Alisin mo na yung di masyadong importante. 13 slides lang ang kailangan sa powerpoint eh. 'Yan, 'yan, alisin mo na rin 'yan. Di naman kailangan. Yung mga mahahalaga lang dapat ang nanjan. Tapos i explain na lang natin ng mabuti para ma maximize natin ang slides ng powerpoint. Okay?" Sabi ko kay Janna, habang nakaturo sa laptop n'ya. S'ya kasi ang nagawa ng powerpoint namin para sa report. Tas ako naman ang nagawa ng iba pang paper works.
"Kaya ba inalis mo ako sa buhay mo, kasi di ako importante? Kasi di mo ako kailangan? Kasi di ako yung masyadong mahalaga? Sinong mas importante sa buhay mo? Si Xian? Tch."
"Aba nanjan ka pa pala! 'Tong mokong na 'to! Layas na nga! Kailangan na nating tapusin 'to ano ba!" Sigaw ko. Paano, palabas na ng bahay at nasa may pinto na s'ya, e nakuha pang humugot. Kayamot!
"Wala pa nga tayong relasyong nasisimulan, gusto mo na kaagad tapusin? Sakit Cinds."
"Hoy Vince! Konting konti na lang, iisipin ko na talagang may gusto ka kay Cindy." Sabat ni Kristel.
"Kahit konti lang Cinds, wala ba talaga akong pag asa sa'yo? Wala ba akong halaga sa'yo?"
"Layas na nga kayo, Xian hilahin mo na nga 'yan palabas." Sabi ni Janna.
"Hoy Vince, puro hugot ang baon mo ngayon, e hindi naman 'yan ang kailangan natin sa report. Tch. Tara na nga." Sabi ni Xian sabay kutos kay Vince tapos ay hinila na.
"Cindy! Ito ba? Ito bang lalaking 'to ang mas mahalaga para sa'yo?!"
Rinig kong sigaw ni Vince. Parang timang talaga.
"Aray ko naman tol, nakakailang kutos ka na ha! Cindy oh, huhuhu!"
"Lakas ng tama ni Vince ngayon eh."
"Kaya nga. Baliw yun eh."
Puro tawanan tuloy kami nina Kristel at Janna dahil sa kalokohan ni Vince.
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...
