Hugot 52

426 27 3
                                    

Katamad. Bakit ba pumasok pa ako? Wala naman palang teacher???

Edi sana natulog na lang ako maghapon. O di kaya nag spazz sa bangtan? Aish!!!

Iidlip nga muna ako.

Tumungo muna ako sa may desk ko.

....
....
....
....
....

....
....
....
....
....

Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa'kin sa may balikat ko.

"Cindy..." sa boses pa lang, alam ko ng si Xian to. At parang nakaluhod s'ya para mapantayan ako, dahil nga nakatungo ako sa desk di'ba?

"Uhm?"

"Paparating na si ma'am, gising na."

"Oo."

"Uy gising na ikaw."

Marahan lang ang pagtapik sakin ni Xian, kinilig naman ako. Charot!

"Uy gising na, baka maabutan ka ni ma'am."

Hindi pa rin ako naalis sa pagkakatungo ko sa desk.

"Cindy~~ wake up! Gising na please."

"Oo na, gising na ako! Gising na gising na ako sa realidad na hinding hindi magiging tayo." Litanya ko kay Xian na ikinabigla n'ya. At talagang nakatayo pa ako ng sabihin ko yun sa kanya kaya s'ya, biglang napatayo rin. Bakit ko sinabi yun? Wala lang. Haha! May maihugot line lang sa update na itu.

"Sino bang may sabing hindi magiging tayo?" Sabi n'ya sa'kin na nakatingin pa ng diretso sa mga mata ko. Na para bang ako lang ang nakikita n'ya. Wait. Feeling ko matutunaw ako sa pagkakatitig n'ya sa'kin. OMG.

"Sino bang may sabing hindi magiging tayo?" Pag uulit n'ya. Hindi kasi ako makasagot sa tanong n'ya. I can't utter any word. Nakatingin lang ako ng diretso sa kanya.

Nabigla na lang ako ng yakapin n'ya ako ng mahigpit.

"I'm going to make sure that you can't run away."

"Yieeeee!!!" Mga hiyawan na ng mga kaklase ko ang umalingawngaw sa room. Mygod! Kinikilig ako Xian! Bakit ganyan ka ha?!

"Ehem." Napatigil kaming lahat at napatingin sa babaeng nasa unahan. Tsk. Panira naman ng moment ang titser naming itu.

"Anong kaganapan?"

Napatingin ako kay Xian at kitang kita kong namumula s'ya habang nakamot sa may batok n'ya. Ang cute ~

"W-wala po." Sagot ni Xian.Napangiti naman si ma'am.

"Kayo talaga."

Naupo na ako sa upuan ko at si Xian, sa'kin tumabi.

Nginitian naman n'ya ako. Aish.

Nakakainis! Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Chos!

Nagsimula ng maglesson ang teacher namin. So paano, bye.

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon