"Cindy, ano na? Hindi ka ba talaga lalabas d'yan sa kwarto mo? Hoy!"
Sigaw ni Sara mula sa labas ng kwarto ko.
"Ano ba? Bat ka ba nandito sa bahay?"
Sigaw ko rin pabalik."Bat ba kasi ayaw mong lumabas?" Todo sigaw with matching katok katok pa si Sara. Gusto pa ata n'ya katukin ko rin ulo n'ya. Hays.
"Bakit kasi ayaw mong pumasok? Di naman naka lock 'yang pinto." Napapairap na lang ako sa ka shungahan ni Sara
"Hehehe. Ikaw naman, 'di mo sinabi agad?"
"Hindi ko sinabi agad? Wow! Baka s'ya ang hindi nagsabi agad kung ano ba talaga ako sa kanya?"
"Um Cinds--"
"Alam mo Sara, ang gulo eh. Alam mo ba, valentines ngayon! VA-LEN-TINES! Pero ano, ni hindi man lang n'ya ako niyaya mag date. Ni simpleng greetings, wala. Ni chocolate o kahit santan na bulaklak lang, wala. Huehuehue!"
"Baka naman may surprise ulit? Kagaya nung nakaraang valentines day?"
"Alah ewan! Alam mo, para s'yang theory sa mga music videos ng BTS. Magulo! Nakakasakit sa ulo! Hays!"
"Pero kahit magulo at nakakasakit sa ulo, pilit mo pa ring iniintindi."
"Hays. Magulo pa yung feelings namin pareho ni Xian, kaya siguro hindi pa ngayon yung tamang time para sa aming dalawa. NOT TODAY Sara."
"Cinds kasi--"
"Sige na Sara umuwi ka na lang muna. Di rin kasi ako aattend sa Valentines day party sa school. Makikipag date na lang ako sa Bangtan. Bye!"
Sabi ko saka tumalikod na ulit kay Sara at nag spazz na lang ulit. Sila na lang ang date ko. Hahaha!
Sorry lame. Kasi naman eh pinapahirapan ako ng Bangtan. Jusq! Sinong nakaka relate?
~Airassi ♡
/theoriesallover/
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Разное#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...