Hugot 65

371 26 1
                                    

"Cindy, ano yang ginagawa mo?"

Rinig kong tanong ni Sara. Jusme! Inaraw araw na nila ang pagtambay dito sa bahay. Pero dahil mabait akong kaibigan, napayag naman ako. Hayy... Ang hirap maging mabait. :D (Walang kokontra!)

"Naglalaro." Nakaupo ako sa kama at nagsisampahan naman silang apat dito. Sina Sara, Kristel, Janna at Kim.

Nakisilip sila sa cellphone ko. Mga chismosa. Charot!

"Anong laro?" Tanong ni Kim.

"Clash Royale." Tipid kong sagot. Bwiset! Wag nyo kong daldalin, baka matalo ako. Aish!

"Aish, bwiset na elixir to! Ang bagal naman." Sabi ko.

"Naku! Mahirap maging mabagal. Nauunahan." Singit ni Janna.

"Parang kahapon, Clash of Clans pa nilalaro mo ah? Ngayon bago na naman?" Sabi ni Sara.

"Kung ang mga lalaki nga laging may bagong pinaglalaruan eh. Kahapon ibang babae, tas ngayon iba na naman. Marami nang ganyan ngayon sus. Masanay na kayo." Sabi ni Kristel.

"Kristel, clash royale ang topic." Sabi ko saka ko sya inirapan. Buti panalo ako kundi, sasabunutan ko 'to. Dejoke!

"Bakit ba? E sa gusto kong humugot e. Hahaha!" Luka rin 'to eh.

"Tsk, makalaro na nga ulit."

Pinindot ko yung battle para makahanap na ng kalaban. Mwehehe.

Sana may love application na kapag pinindot mo ang button na LOVE kagaya nitong button na BATTLE ang nakalagay, imbes na searching for opponent, searching prince charming ang lalabas at in an estimated 5 seconds, may magmamahal na rin sakin pabalik. Yung kagaya nitong larong clash royale, in an estimated 5 seconds, may kalaban na kaagad ako. Lufet! (Hugot sa isip ni Cindy)

"Oy eto na ang mga pagkain."

Pumasok sina Angelika at Gretchen na may dalang mga chichirya at mga c2.

"Oh 'bat kayo nag umpukan dyan? Anong meron?"

Sumampa rin silang dalawa dito sa kama.

"Etong si Cindy, pinapanood naming maglaro nung clash royale."

"Ah maganda yan, naglalaro rin ako n'yan e." Sabi ni Gretchen.

Ano kayang gagamitin ko? Ah etong giant. Tapos isang valkyrie. Mwehehe.

 Mwehehe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aba, sabay pa kami nitong kalaban ko na naglagay ng giant oh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Aba, sabay pa kami nitong kalaban ko na naglagay ng giant oh. Magkatapatan pa. Asteg!

"Tignan nyo yan."

"Alin dyan Gretchen?"

"Yung giant, yan yang nilagay ni Cindy. Diba parehas silang naglagay ng giant. Ang giant, building lang ina-attack n'yan. Hindi nya ina- attack ang kapwa n'ya giant. Tignan nyo naglampasan lang sila. Ganyang ganyan kami ni Cyrus, matapos naming mag break, hindi na kami nagpansinan. Kapag nagkakasalubong kami, nilalagpasan na lang namin ang isa't isa na parang di kami magkakilala at walang relasyong namagitan sa'ming dalawa. Ang sakit. Sya lang naman ang may gustong maghiwalay kami e."

Narinig ko syang magsabi ng hinanakit. Ramdam ko na namang paiyak sya. Nako, ayan na naman tayo.

Halah!

Teka, bwiset naglagay sya ng prince. Aish! Naku naman pareho na kaming may isang crown. King na yung tinitira nung prince nya. Loko 'to ah!

 Loko 'to ah!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Yan, yan. Akala ko sya na ang prince ko, pero sya pa pala ang tutusok sa puso ko. Sya pa pala ang mananakit sakin. Sya pa pala magpaparanas sa'kin ng lahat ng pighati."

Hindi ko na tinuloy ang paglalaro ko dahil nakisali na rin ako sa group hug nila. Mas mahalaga naman sakin ang mga kaibigan ko kesa sa larong 'to. Okay ng matalo ako, ma comfort ko lang ang kaibigan ko. Naiyak na naman si Gretchen e.

"Shhhh... Tahan na, wag mo nang iyakan yun. Kung kaya ko lang magpadala ng giant sa bahay nila para wasakin yon pati na rin yung pagmumukha n'yang gago mong ex eh ginawa ko na talaga. Tapos hahagisan ko ng arrow at fireball, yung upgraded pa para malupet! Kung wala na yang prince mo, alam ko, may darating namang knight para protektahan yang puso mo. Saka nandito naman kaming mga kaibigan mo, para sa'yo."

"Yup! Tama si Cinds, nandito lang kami para sa'yo." Mas hinigpitan pa namin ang yakap kay Gretchen. Ganyan talaga ang tunay na magkakaibigan, sa oras na kailangan ang isa't isa. Isanf mahigpit at matinding yakap ang iaaalay namin. Group Hug!!!

-

Hello! Natagalan ba ang update? Zarreh, nawili sa Clash Royale eh. Hahaha!

Anyways, sinong naka relate? Alam ko marami! Comment naman ng reaction dyan oh! Kekeke~

Votes and Comments are highly appreciated!

Gomawo! •Ѡ•

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon