Araw na ng mga reporting namin.
Nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Kristel Cuevas. Yung kaklase kong magrereport.
"Halah! Pa'no yan? Naiwan ko yung flashdrive ko?"
"Tsss. Yan kasi e"
"Haynako. Nag effort pa naman ako tapos maiiwan ko lang."
"Buti nga ikaw ang nang iwan e. Kasi kapag ikaw ang iniwan, mas mahirap 'yun."
"Ugh!
"Oh, so pa'no 'yan? Ano ng gagawin mo?"
"Babalikan ko."
"Wow ha! Pagkatapos mong iwanan babalikan mo pa? Tsss."
"Alah naman si Cindy e, seryoso ako!"
"Seryoso rin ako."
"Eh pa'no? Anong gagawin ko?"
Kinakabahan na talaga s'ya. May pa-gulo-gulo pa ng buhok ang bruha e.
"Sige na balikan mo na, habang maaga pa. Kasi alam mo na, baka magsisi ka sa bandang huli."
Ayun na nga, agad s'yang nanakbo palabas ng room namin. Medyo maaga pa naman saka third subject pa namin ang Humanities.
"Anong nangyari dun kay Kristel? Bakit biglang nanakbo palabas?"
Tanong sa'kin ni Angel, classmate ko rin.
"May babalikan lang."
"Oh? Sino? Yung ex n'ya?"
"Kapag may babalikan yung ex na agad? 'Di ba pwedeng yung flashdrive muna? Tch!"
"Haynako! D'yan ka na nga Cindy."
Umalis na s'ya sa harapan ko at bumalik na sa upuan n'ya.
Dumating na 'yung english teacher namin, pero wala pa rin si Kristel. Mukhang na traffic pa ata.
Nag klase lang kami sa english at computer. Ngayon, time na ng Humanities namin. Wala pa si Kristel, buti na lang at wala pa rin 'yung prof namin.
"Ohmaygad Cindy, hah.. Nakakapagod, ang traffic kaya nung medyo malapit na ako dito sa school tinakbo ko na talaga. Hah!"
"Buti nga wala pa si sir e."
"Good morning class." 'Yan nand'yan na si sir.
"Good morning sir."
"Get one whole sheet of paper."
"Sir, pa'no po 'yung reporting?" Tanong ni Kristel.
"Sa wednesday na lang ang reporting. Chapter test tayo ngayon."
"Ayy buset! Paasa si sir e. Sana pala hindi ko na lang binalikan. Takte nagsisisi ako! Nagpaka pagod ako para lang mabalikan yung naiwan ko tapos ano, aish! Nagsisisi talaga akong binalikan ko pa!"
Pagsasalita n'ya sa sarili n'ya.
"Sana maging lesson 'yan sa'yo. Na kapag may binalikan ka, asahan mo na hindi lahat ng sususnod na mangyayari ay maganda. May mga oras kasi na hindi lahat ay nakikiayon sa gusto mo."
"Okay. Start answering now."
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
De Todo#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...
