Hugot 81

232 12 2
                                    

*dingdong*

Agad akong napatakbo palabas ng bahay nang marinig kong may nag door bell.

"Hi Cinds."

"Hi."

"Oh Xian, what are you doing here?" Tanong ng echoserang si Sara. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala agad tong Sara na 'to. Napaka agaw eksena talaga niya.

"Uhm, dinalhan ko lang si Cinds ng ice cream." Sabi ni Xian saka itinaas ang hawak n'yang plastic bag na may lamang ice cream. Take note, ROCKY ROAD ang flavor!!!

Nang mapansin n'yang napangiti ako nang makita ko ang hawak n'ya, ngumiti rin s'ya. Yung tipong maiinlove ka talaga sa ngiti n'ya. Iba yung epekto e.

Haynako Xian, alam mo talagang bukod kay JK, patay na patay rin ako sa ice cream.

"Cindy, sinasabi ko sa'yo ha. Wag kang  masyadong pakampante d'yan kay Xian. Naku. Tignan mo, mga ilang araw lang magsasawa na rin 'yan sa'yo. Tas kagaya ng ice cream na 'yan, ang love sa'yo ni Xian matutunaw rin. S'ya, manlalamig na rin sa'yo. Di talaga ako pabor d'yan kay Xian na 'yan eh. Tsk. Tsaka--"

"Alam mo Sara, matutunaw nga 'tong dala kong ice cream kung hindi ka aalis d'yan sa daanan. Pero yung pagmamahal ko kay Cindy, hinding hindi matutunaw. Di'ba Cinds?" Sabi ni Xian saka pa ngumiti at kumindat.

Napatawa na lang ako sa banat ni Xian bebe ko.

Si Sara naman, ayun, napasimangot at nang irap pa. Napaka bruha talaga neto!

Alam ko naman na echos lang ni Sara 'yang mga pinagsasabi n'ya kanina kaya 'di ko maiwasang hindi mapatawa sa kalukahan n'ya.

Pumasok na kami ni Xian sa bahay at sumunod naman si Sara.

"Penge ako." Sabi ni Sara pagkapasok n'ya sa may kusina.

"Tsk. Oh akala ko ba 'di ka pabor sa'kin?" Tanong ni Xian.

"May sinabi ba akong ganun?"

"Oo kaya! Sinabi mo yon!"

"Wala akong natatandaan."

"Sinabi mo yon! Kanina lang. Tas sabi mo pa nga na manlalamig rin ako kay Cinds e. Saka matutunaw rin ang love ko para sa kanya."

"Alam mo Xian, mapag imbento ka."

"Sus. Sinabi mo talaga yon! Kaya 'di kita bibigyan nito."

"Hehehe. Alam mo Xian, para kang ice cream e sa totoo lang."

"Bakit naman? Kasi ano?"

"Kasi napaka sweet mo kay Cindy. Saka ang cool mo pa. Hehe."

"Sus, nabawi."

"Penge na!"

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Napapangiti na lang ako dahil para silang shunga.

"Oh kumuha ka na, subukan mo lang akong asarin ulit, di na kita ulit bibigyan."

"Subukan mo lang saktan si Cinderella, ingungudngod ko 'yang mukha mo sa rocky road."

"Na ice cream? Ok lang!"

"Hindi, sa semento talaga. Impakto ka!"

"Hahahaha" Di ko na talaga napigilan at napatawa na ako ng malakas. Kasi para talaga silang mga bata. Hay nako!

Vote & Comment para ganahan akong mag update. Gomawo!

(♡'sAllOver)

~Airassi😙😙😙

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon