"Oy, tara na pumunta ulit kina Cindy!" Sabi ni Sara
"Oy anong pumunta sa'min at ano na namang gagawin nyo aber?"
"Volleyball tayo!" Tss. Itong si Sara na ito talaga.
"Psh. Pilitin mo muna ako." Pagiinarte ko
"Ayoko ng sagot na pilit. Gusto ko kusang loob na sagot. Mahirap kasi pag napilitan ka lang." Sagot ni Sara"
"Psh, tara na nga."
Lumabas na kami ng campus at nagpunta na sa paradahan ng jeep.
"Oy mga ineng, dito na kayo sumakay."
Sabi nung isang driver.
"Oy walang agawan ng pasahero pre, dito na sasakay sa jeep ko e." Sabi naman nung isa pang driver.
Pero biruan lang naman nila yun.
"Hindi pre, dito na sila sasakay." Kami yung tinutukoy nila kaya naiinis na ako dahil nagbibwisitan pa sila eh uwing uwi na kami.
"Pag pasahero bawal agawin pero ang syota pwede? Tsk tsk." Napatingin kami kay Kim na nahugot na pala. Haha!
"Pag pasahero pinagaagawan? Pag ako, pinapamigay?"
Napatingin naman kami kay Angelika na nahugot na rin pala.
"Mga manong, gusto na naming umuwi, mahirap kasing maghintay ditong matapos yang bangayan n'yo e. Kung ang relasyon madaling matapos, yang bangayan nyo kasi mukhang matagal pa. Psh."
"Hehe, osya, Berto, dyan na nga sila sa jeep mo. Ako na ang magpaparaya."
"Salamat pre, iingatan ko naman itong mga ineng na ito."
"Tss parang may hugot rin sila manong e." sabi ni Sara.
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Sonstiges#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...
