Hugot 76

180 14 0
                                    

Dun du du dun!

Nasa loob na kami ng office ng prof namin para ipasa ang mga report namin.

Nakaupo kami ng isang hilera sa mahabang sofa at katapat naman namin si ma'am Laynes.

"Hmmm. Let me see. Lahat ba kayo nagtulong-tulong para dito? Lahat ba nag effort? Cindy? Ikaw ang leader di'ba, tell me, lahat ba tumulong?"

"Opo ma'am."

"Lahat nag effort talaga?" Pinaningkitan pa ako ng mata ni ma'am. Omo!

"Op--"

Naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsingit ng bwisit na si Vince.

"Actually ma'am, sa'ming dalawa, ako lang po ang nag e-effort. Hmm..."

Napatawa naman si ma'am dahil sa sinabi ni Vince. Siniko naman ni Xian si Vince na parang baliw at tawa rin ng tawa.

"Baka kasi hindi ka gusto?"

This time, si Xian naman ang napatawa ng malakas.

"Opo ma'am, hindi po talaga s'ya gusto non. Hahahaha!"

Parang ang init ng mukha ko.

Yumuko na lang ako dahil nakakahiya ang dalawang ugok na 'to!

"Mukhang kilala ko na kung sinong tinutukoy n'yong dalawa. Hahaha!"

Nakayuko pa rin ako. Omoooo!

"O sya, pwede na kayong lumabas. Wala tayong klase mamaya kaya pwede kayong mag relax o kumain. Okay?"

"Goodbye ma'am, thank you po."


~

LAME.

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon