Hugot 17

856 52 0
                                    

"Uy guys, wait lang ha!" Sabi ni Karen

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ko

"D'yan lang sa tindahan papa load lang ako, may rereplyan lang akong text. Basta babalik din ako agad."

"Tsss. Ganyang ganyan ang sinabi sa'kin ng hayop kong ex. Babalik din daw agad, eh yun pala nagtext sa kanya yung kasabay ko. Takte, two timer pala ang gago."

"Grabe! Babalik din naman agad ako. Promise!"

"Yan. Papaasahin. Kunware babalik, pero hindi naman talaga. Kahit nga 'yung relasyon namin hindi na n'ya binalikan. Tssss. Sagana sa salita."

"Naku, Yaan mo yang si Chloe humuhugot e." sabi ko kay Karen

"K!"

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon