Hugot 20

842 45 14
                                    

Nasa community park ulit kami. Sabado ngayon at wala gaanong assignment kaya ayan chill chill muna. Nakaka stress rin kasi ang puro aral kaya maglalaro naman kami ngayon.

Volleyball naman ang napagkasunduan naming laruin. Kasama rin namin ang ilan naming kaklase na lalaki.

Ngayon boys muna ang naglalaro, kakatapos lang kasi naming mga girls e.
Ngayon, kami naman ang manonood ng game nila.

'Tong mga lalaking 'to, pa cool masyado. Pero ang galing nila ha!

"Akin na!" sigaw ni Tristan

Pero anyare? 'Di n'ya natamaan. Tssss sayang naman.

"Ano ba yan pre? Papaluin ko na e, pero pinaubaya ko sayo kasi akala ko masasalo mo."

"Woooh! puntos na naman namin." sigaw naman ng team nila Joseph na nasa kabilang side ng court.

"Sisigaw sigaw ka ng 'akin na' tapos wala naman palang kasiguraduhan kung matatamaan mo o hindi. Ayan nasa kanila tuloy ang puntos. Alam mo, parang sa buhay natin 'yang volleyball e, h'wag mong aangkinin agad ang isang tao o ang isang bagay kung hindi mo kayang pahalagahan. Kagaya n'yan, dapat ako na ang papalo pero pinaubaya ko sa'yo, nagparaya ako. Handa akong saluhin s'ya pero dahil sa sinabi mong 'akin na', hinayaan ko na ikaw ang sumalo. Pero ngayon, nagkamali ako na hinayaan kong mapapunta s'ya sa'yo. Kasi hindi mo naman pala kayang pahalagahan 'yung ipinaubaya ko sa'yo."

Ang haba nun ah? Saka bakit parang iba 'yung dating nung mga sinabi n'ya?

Nakita kong lumabas na sa court si Vince. May problema ata ang kumag na 'yon.

"Kim, bakit ganun si Vince? May problema ba 'yun?"

"Oh? 'Di pa ba n'ya nakekwento sa'yo? Ikaw ang lagi n'yang pinagsasabihan ng problema n'ya ah."

Malamang Kim kaya ako nagtatanong sa'yo kasi hindi ko pa alam. Luka luka rin talaga 'tong isang 'to e. Alam n'yo, gusto ko 'tong batukan ng isa.

Pero syempre, pa good girl muna ako. Baka hindi magkwento e.

"Oh bakit nga?"

"Kasi di'ba sabi n'ya noon na may gusto s'ya kay Kathleen,  yung kaibigan n'ya. Eh ang akala n'ya na may gusto rin kay Kathleen si Emerson, yung kaibigan n'ya naman sa IT Department. So etong si Vince, pa good boy, hindi umamin d'un sa girl at ang malala pa tinulungan n'ya pa si Emerson na mapalapit kay Kathleen. Tanga rin noh? Well nakakatanga naman talaga ang pag ibig e. Tapos, ayun nga, etong si Emerson nung naging sila ni Kathleen, dalawang linggo pa lang nakipag break na. Trip trip lang pala 'yung panliligaw n'ya. Hindi pala totoong may gusto si Emerson kay Kathleen. Tsss."

Ahhh so ganun pala? Ang tapang ni Vince ha. Kahit na gusto n'ya si Kathleen nagparaya s'ya para sa kaibigan n'ya. Kaya lang ang bobo ni Emerson, tanga pa. Hindi n'ya alam na may mas karapat dapat para kay Kathleen at si Vince 'yon pero anong ginawa n'ya, sinaktan n'ya lang si Kathleen. TSSSSS.



May kakilala ba kayong kagaya ni Vince? Handang magparaya para sa kaibigan?

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon