"Cindy! Huhuhuhu."
"Oh ano na namang drama 'yan?" Tanong ko kay Jona mula sa telepono.
"Grabe! Wala man lang hello?"
"Wala. Ano bang kailangan mo at napatawag ka ng alas onse ng gabi? Alam mo istorbo ka, nagsspazz pa ako e" Realtalk 'yun ah. Istorbo talaga s'ya!
"May date kami bukas ni Xander!"
"Oh anong gagawin ko kung may date kayo ni Xander? Mag date kayo hanggang kelan n'yo gusto walang pumipigil sa inyo mga pabebe kayo. Kbye."
Ieendcall ko na sana nang bigla s'yang magsalita.
"I think I'm fallin for him. Huhuhu! Eotteokhae?"
Aba pa eotteokhae eotteokhae pa s'ya ha! Kelan pa s'ya natuto mag Korean?
"Oh. May sasabihin ka pa? Papatayin ko na 'to." Nakakainis! tinawagan pa ako para lang sabihin na naiinlove na s'ya kay Xander. Letse lang.
"Cindy, may problema ako."
"Mas malala pa ba 'yan sa problema ng Pilipinas?!"
"Cindy naman e, I'm serious."
"Seryoso rin ako. Ano pa bang sasabihin mo?"
"Ano bang gamot sa bulutong?"
"Anong tingin mo sa'kin? Pharmacy, doktor o dermatologist? Tssss. Hindi ko alam!"
"Edi hindi matutuloy ang date namin ni Xander bukas. Pa'no na?"
"Malamang hindi. Alam mo Jona, hindi mo mapipigilan ang paglabas n'yang chicken pox mo. Hayaan mo lang. Kung ang pag-ibig mo nga kay Xander hindi mo napigilan e. Ang pag-ibig parang bulutong, hindi mo mapipigilan ang pag usbong. Arasseo? Kbye!"
'Yan! Balik pag sspazz!!!
"Cindy?" Rinig kong sigaw ni mama. Grabe! Nasa kwarto na'ko rinig na rinig ko ang boses ni mama.
"Po?" Sigaw ko pabalik habang naglalaptop. Woooo! Ganda kaya ng pwesto ko rito sa kama. Nanonood ako ng Bangtan Bomb.
"Cut na ang connection mo. Tulog na!"
Seriously?
Tinry kong mag search ulit.
Wala na ngang connection.
Bwiset. (T_T)
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...