Hugot 83

174 1 2
                                    

"Cindy, tara sa cafeteria!" Sigaw ni Kim. Ano ba 'yan? Seriously, 'yan kaagad ang bubungad sa akin pagpasok ko ng classroom? Ugh.

"Kim, kadarating ko lang ha. 'Yan kaagad ang banat mo!"

"Di kasi ako nakakain ng breakfast kanina. Kaya dali na samahan mo na ako! Dali! Luh mamaya darating na si sir."

Inirapan ko na lang s'ya at nagdiretso na ako sa upuan ko. Inilabas ko ang aking notebook at nagsimulang magsagot ng assingment namin sa Obligations and Contracts. Ughh.

(Otor: Cindy di'ba sinabi ko na sa'yong sa--)

Hep! Stahb it! Oo na, alam ko nang sesermonan mo ako coz I'm doing my assignment at school when it is supposed to be done at home. (Shems napapa ingrish ako) Sorry na okay.

(Otor: Hindi, ang sasabihin ko kaya sa'yo ay samahan mo na si Kim sa cafeteria! Tsk. Ayaw kasi muna akong patapusin e.)

Okay sorry na otor na maganda.

"Ano na Cinds? Gutom na talaga ako."

Hindi ko s'ya pinansin, instead, nagpatuloy ako sa pagsusulat.

"Cinds? Haller?"

"Wait lang kasi Kim, tapusin ko lang 'to okay?"

"Bakit kasi 'di mo 'yan ginawa sa bahay?"

"E bakit kasi 'di mo kayang pumunta ng cafeteria mag-isa? Duh!"

"E gusto ko nga may kasama."

"Kim alam mo, huwag kang magsanay na lagi kang may kasama. Mahirap kasi kapag bigla kang iniwan."

"Cindy, kung 'yang idinadaldal mo d'yan e nagfo-focus ka sa ginagawa mo edi sana tapos ka na."

"Kim, kung ngayon pa lang e naglalakad ka na papuntang cafeteria, edi sana makakakain ka na."

"Ugh! Cindy kasi!"

"Oo na tara na, tapos na ako."

Lumabas na kami ni Kim at naglakad na kami papuntang caf.

"Magbe-breakfast meal ka ba?"

"Hindi Cinds, bibili na lang ako ng chuckie saka bisquit. Baka biglang dumating si sir e, kung kakain pa tayo dito baka ma late pa tayo."

"Sige ikaw bahala. Libre mo na lang ako ng chuckie."

"Okay."

Binilhan din n'ya ako ng bisquit. Wow ha! Once in a blue moon manlibre 'tong si Kim e. Hahaha!

Pagkabili namin, este ni Kim lang pala, bumalik na kami sa classroom. Thank goodness wala pa kaming prof, makakakain pa kami.

"Guys, baka dumating na si sir. Pakipulot naman nung mga basura n'yo d'yan sa mga ilalim ng upuan n'yo. Cindy, yung basura mo." Sabi ni chairman, (pertaining to my balat ng chuckie and bisquit.)

"Pupulutin ko naman! Ikaw, kelan mo ako pupulutin? Kasi tinapon mo ako na parang basura e. Tinrato mo ako na parang basura."

Lahat ng mga kaklase ko napatigil sa kani kanila nilang ginagawa, tumahimik ang paligid at tila ba nakikinig sa eksena ko.

"Luh Cindy, may pag eksena? Lagot ka nakatingin si Xian." Sabi ni Kim na nasa tabi ko.

Napatingin ako kay Xian at tama nga si Kim, nakatingin nga s'ya sa akin.

"Oy hugot lang 'yon ah, sorry MEMA lang. Hehehe. Para naman may mai-update 'yung magandang otor." Awkward akong napatingin kay Xian saka nag peace sign.

Jusko! Minsan ang sarap tape-an ng bibig ko sa sobra kong kadaldalan eh. Ugh.

Mayamaya, dumating na ang prof namin.

"Okay class, so iiwan ko muna kayo saglit ha at may meeting lang kami sa faculty room. Proceed to your groupings and pagbalik ko I will check the report of each group. Here's the topic, paki-distribute na lang chairman."

Lumabas na si sir pagkabigay n'ya ng mga papers.

"Iiwan. Saglit lang daw? Pero ang totoo matatagalan naman talaga bago bumalik. Minsan nga, hindi na talaga babalik e. Pinapaasa lang tayo sa mga bagay na 'di naman nila kayang gawin." Bulong ni Kim.

"Kim ano may pag hugot din?"

Napatawa na lang ako sa ka echosan nitong si Kim. Hays.

Nagpunta na kami sa kanya kanya naming group, ka group rin pala namin ni Kim si chairman and s'ya rin pala ang leader namin. Pati rin pala si Xian. Ini arrange namin paikot ang mga upuan namin para mas madaling makapag usap usap.

Spell Awkward? C.I.N.D.Y. A.N.D. X.I.A.N

Hindi tuloy kami magkatabi sa upuan. Hmp. Pero nasa katapat ko lang s'ya.

And dahil wala kaming prof, and sa gagaling din naman ng mga ka grupo ko, imbes na notes ang ilabas, cellphone ang kinuha. Ayos din. Kekeke~

"Guys, cooperation naman. Itago n'yo na muna 'yang mga cellphones n'yo. Bitawan muna 'yung mga makakaabala sa inyo. We need to focus."

"So kaya mo ako binitawan dahil nakakaabala ako sa'yo? Ganun ba 'yon ha, Ken?"

Napatahimik naman si Ken at agad na napatingin kay Xian.

"Luh si Cindy kasi, ang sama tuloy ng tingin sa akin ni Xian."

"Hoy Cindy, ano na namang ka echosan 'yan ha? Talaga bang inaasar mo 'yang si Xian? Namumuro ka na d'yan, look oh." Bulong sa akin ni Kim habang nakatingin kay Xian na ang sama ng tingin kay Ken.

"As I have said awhile ago, hugot lang 'yon.  Para naman may mai-update si otornim. HAHAHA. MEMA lang ulit. Sorry na guys."


-

Long time no update. Sorry na. Hehehe.
LoveKokayo 😙😙😙
❤'s all over!

~Airassi

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon