Chapter 46

3.1K 68 0
                                    

Nagising akong walang Darryl ako nakita. Naligo ako at nag-ayos na sa pagpasok. Pagbaba ko ay naabutan ko si Manang sa kusina.

" Good Morning po " lumingon naman siya sakin.

" Oh iha Magandang umaga rin, halika na kumain dito " tumango ako. Umupo ako at hinintay na iahin ang pagkain. Nasaan si Darryl?

" Manang, si Darryl po? "

" Ay iha, maagang umalis. Hindi na nga nakapagbreakfast ang isang iyon sa kakamadali. " saan naman pupunta ng ganitong kaaga yun?
" Ang mabuti pa iha kumain kana at naghihintay ang driver mo doon. Inutusan siya ni Darryl na ihatid ka. Kay sweet na bata ng alaga ko. " napangiti ako ng pilit. Bakit iba ang nararamdaman ko?

Habang kumakain ay parang may kakaiba kay Manang. Tingin siya ng tingin sakin. " May problema po ba Manang? "

" Napansin ko lang, ang dami mong pasa sa braso. Saan mo nakuha yan? " nalilito akong napatingin sa braso ko. Meron nga. Maliliit itong mga pasa at madami. Saan ko naman nakuha to?

" H-hindi ko din po alam. Ngayon ko lang napansin ito. "

" Ay nako ka. Baka naman nadali ka kung saan at hindi mo namalayan? " siguro nga. Pero wala naman akong matandaan na tinamaan ako ng kung ano.

" Baka nga po Manang " sabi ko. Mukha kasi siyang nag-aalala.

" Masakit ba yan? Teka at kukuha ako ng gamot. "

" Hindi na po! " pigil ko sakanya. " hindi naman po siya masakit. "

Nagtataka siyang tumingin sakin. " Sigurado ka ba? Aba, impossibleng hindi masakit yan mukhang bago pa oh "

" Ok lang po talaga. Hindi po siya masakit. "

" Sigurado ka? "

" Opo. Mawawala rin po ito agad. Sige po, mauuna na po ko baka malate po ako. " tumayo na ako at lumabas. Baka hindi pa niya kasi tigilan ang mga pasa ko. Nasa sasakyan na ako ng pagmasdan ko ang mga pasa.

Hindi naman talaga siya masakit. Saan ko kaya ito nakuha? Hmm.

Pagdating ko sa school ay napansin ko ang mga bulong bulungan, ipinasawalang bahala ko na lang ang mga naririnig ko bago dumaretso sa building namin. Naisip kong dumaan kila Darryl. Hindi pa siya nagbebreakfast at ang aga umalis.

Pagdating ko sa room nila ay nakita ko sila Raven at Nathan. Nasaan si Darryl?

" Nathan! " tawag ko dito ng makita ako. Wala si Darryl sa loob.

" Oh Althea, aga natin ah. "

" Si Darryl? " tanong ko. Bahagya pa siyang nagulat sa tanong ko.

" Wala pa siya dito. Akala nga namin sabay kayong dalawa " ani Raven.

" Wala siya sa bahay paggising ko eh. Sabi ni Manang maaga daw umalis at nagmamadali. Akala ko dito siya dumaretso. " tinapik naman ako ni Nathan.

" Don't worry baka may pinuntahan lang. Dadating din iyon. " napanatag naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman baka may pinuntahan lang siya.

" Sige. Sorry sa istorbo, mauna na muna ako ah "

" Sige. Pakisabi naman kay Babe reply siya sa text ko " natawa naman ako.

" Ang korni mo tol ang aga pa para dyan. " Nathan.

" Wag kang mangialam. Pakelaman mo yang syota mo at nakabusangot kanina. Nag-away kayo noh? " Raven.

Umiwas si Nathan ng tingin. Nag-away sila ni Diane?

"Nag-away nga. Hahaha! Kay bago bago niyo nag-away kayo agad? "

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon