Special Chapter #1

4.4K 85 5
                                    


Diane's POV


" Wala na ba talaga? As in over na? " napatitig lang ako kay Cheska ng itanong niya sa akin iyon. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa kanila na wala ng 'kami' ni Nathan? Well, sayang nga ang pinagsamahan namin kaso may mga pagkakataon talaga na akala mo kayo hanggang dulo pero hindi naman pala. Everything happens for a reason and maybe this is the reason why we broke up. We're not meant for each other and this is our end game.

" Like I'd said, we chose this way. Pareho naman kaming pumayag na we can still be friends. "

" Duh! You can't be friends with your ex-boyfriend. " naghalukipkip si Cassey ng sabihin niya iyon.

" And why is that? "

" Two reason, Diane. You never love each other or you still do. " napatunganga lang ako sa sinabi niya. Alam ko naman iyon. I've been inlove with him for a long time but not all the time love should dominate the relationship.Laging nagcocontradict ang mga desisyon namin sa buhay dahilan kung bakit pinili naming maghiwalay. I think we lack of this so called understanding to each other.

" You both know na minahal ko siya. Do you think aabot kami ng three years kung hindi? " inirapan lang niya ko. Napabuntong hininga ako.

It's been what? a year since me and Nathan decided to broke up. At hindi pa rin sila makamove-on sa issue naming dalawa ni Nathan. Seriously?

The first few months of him in States is kind of challenging to our relationship. It's my first time being away for him that long. I mean he's on the other side of the world for pete's sake. Like the usual couple having a long distance relationship we're communicating through phonecalls, facetime, viber. and other means of communication. Gumagawa kami ng way para hindi mawalan ng communication sa isa't-isa. Kung minsan hinihintay ko siya sa madaling araw mag-online dahil gabi naman doon and vice versa. It's really hard, pero dahil mahal namin ang isa't-isa we always find ways. Parang BDO lang. He decided to study abroad dahil iyon din ang gusto ng mga magulang niya. Kahit ayaw ko ay pumayag ako, sino ba naman ako para pigilan siya sa gusto niyang mangyari sa buhay. I'll always support him no matter what. But, not all the times ay puro saya lang sa amin. Dumating kami sa point na ilang araw kaming hindi nag-uusap dahil na rin sa school stuffs. From days to weeks. Hanggang sa naging two to three times na lang kami nag-uusap every month at minsan puro away lang ang nangyayari. I really do understand na nahihirapan din siya dahil malayo siya at mag-isa doon. Kahit minsan gusto kong ayusin ang gusot na meron samin dahil nga minsan na lang kami mag-uusap nauuwi lang din sa wala.

" If we continue like this, we might end up to something we both don't want to do. Let's cool off. Magpalamig muna tayo. Magfocus muna tayo sa mga priorities natin, Diane "

That's the last thing he told me. Nasaktan ako as if hindi niya rin ako priority, pero kahit ganun tinanggap ko ang hiningi niya sakin. For two months tiniis ko na wala kaming communication dahil na rin iyon sa kagustuhan niya

Tiniis ko ang lahat tapos malalaman ko na lang na he's dating someone else.

Sobra akong nasaktan. Cool off lang kami pero hindi pa kami hiwalay pero nahanap siya ng iba agad? Ako, dito, nagtitiis habang naghihintay sakanya tapos siya nagpapakasaya doon sa ibang bansa.

Akala ko ba busy siya? Akala ko ba priorities muna ang uunahin? hindi ko alam na ibang priority na pala ang tinutukoy niya.

I tried to contact him and clear things out pero bigo ako. Lagi siyang offline. Nasisiraan na nga ako ng ulo dahil pati mga kaibigan namin inaaway ko na para lang kausapin nila si Nathan. Lahat sila hiningan ko ng tulong except kay Darryl na alam kong madami pang problema at ayoko na dagdagan pa iyon.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon