Special Chapter #2

4.2K 89 16
                                    


" Taste it, please " tinapat ni Cassey ang kutsara sa tapat ng bibig ng asawa na si Sky. Tinikman naman niya iyon at nagthumbs-up hudyat na masarap ang luto ng asawa. Nakangiting tumango tango si Cassey sakanya.

" Great! I'll just leave it here for awhile. Oh! Liam must be waiting for you upstairs. Go ahead " naalala kasi nito bigla na naghihintay ang anak sa Music room para makapagpractice.

" Are you sure? I can help you out here. "

" Ano ka ba, magpapapractice pa kayo ni Liam diba? atsaka parating narin sila Chelsea panigurado tatanungin ka agad nung bata kung may kakantahin na ba sila para sa orientation nila " napasapo na lang sa batok ang asawa. Alam niyang tatabuyin siya nito at alam niya rin na kailangan niyang turuan ang mga bata para sa presentation nito sa school. Iniwan na niya ang Misis sa kusina habang tumatawa ito.

Halos tapos na sa pagluluto si Cassey at inisa isang handa na ang mga pagkain sa lamesa na pagdadausan ng kanilang salo-salo. Hindi na wala sa hapag ang paboritong putahe ng Mister na carbonara.

" Whoa! You done already? " napatingin siya sa kanyang likod ng dumating ang mag-inang si Chelsea at Cheska. Humalik sa kanya ang batang babae.

" Tita Ninang, na saan po si Kuya Liam? " nginitian niya ang bata at tinuro ang ikalawang palapag ng kanilang bahay.

" Hinihintay ka na nila sa taas. " Yumakap muna si Chelsea sa kanyang Mommy bago umakyat sa itaas.

" Eversince marinig niyang tumugtog si Liam, lagi ng nangungulit na magpaturo ng piano. Raven got frustrated the other day " natatawang banggit ni Cheska. Naalala kasi nito kung paanong nagtantrums ang anak ng sabihin ng ama nito na iba na lang ang gawin niyang presentation para sa activity nila sa school. Pero dahil sa gusto ni Chelsea na magpiano gaya ng Kuya Liam niya pinilit niya ang ama kahit ayaw na ayaw nito. Wala naman siyang magagawa dahil mahal niya ang anak at gagawin niya ang lahat para dito.

" He got that from his Dad. Well, he's a fast learner. Minsan nga naaabutan ko pa siyang tinutugtugan si Baby Raine para makatulog "His eldest son loves to play piano for his brother, lalo na sa tuwing umiiyak ito, konting tugtog niya lang ay tumitigil na ito. Para bang ito na ang lullaby para mapatahan ang kapatid.

" Speaking of Raine, where is he? "

" Nasa kwarto namin kasama si Manang. Mamaya pa gigising yun at nilaro ng Daddy niya kanina. " tumango si Cheska. Habang inaayos nilang dalawa ang hapag ay dumating naman si Diane kasama ang boyfriend nitong si Calvin.

" Hi! " bumeso sila sa bagong dating na kaibigan at pati na rin sa boyfriend nito. Ilang linggo rin na hindi ito nagpakita sakanila.

" Umaalis ng walang pasabi, bumabalik rin ng walang sinasabi. " pang-aasar ni Cassey

" Akala nga namin hindi kana babalik eh " sabi naman ni Cheska. Natawa ang boyfriend ni Diane at inakay siya.

" Sorry for not telling you. Gusto kasing sumama sakin sa Cebu. " napagtanto ng dalawang magkaibigan na mukha nga iyon ang dahilan. Mukhang nagbonding ng sobra ang dalawa dahil na rin sa medyo nag-iba ang kutis ng mga kaibigan.

" Don't tell me both of you are engaged? " mabusisi pang tinignan ni Cheska ang kamay ni Diane. Umiling iling naman ang magkasintahan habang tumatawa.

" Wala. Masama na bang magbakasyon man lang. By the way, nakausap ko kanina si Althea. Nabanggit niya na next month pa daw sila uuwi at may inaasikaso daw sila doon sa States. " Two months since Althea woke up, both families flew to abroad to do more tests. Gusto kasi nilang makasigurado na safe na nga si Althea. It's actually a miracle for them na after eight years nagising itong muli. The doctors said the same. Malaki ang pasasalamat nila sa lahat ng nagdasal at hindi tumigil na umasa na magigising pa ang kaibigan.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon