Epilogue

5.3K 90 12
                                    

Menidlareg's POV

Nagising si Darryl sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Ilang beses na siyang nagpapalit palit ng pwesto pero mukhang ginigising na talaga siya ng Haring araw. Napabangon siya sa kama. Hirap pa itong idilat ang mga mata. Sa pagdilat ng mata nito ang ngiti ng babaeng pinakaimportante sa kanyang buhay ang bumungad. Unti-unting sumilay sa kanyang mukha ang ngiti.

" Good Morning love " ngiti nito. Nakangiti pa din sakanya ang babae. Kaya hanggang paglabas niya ng kwarto ay hindi nawala ang ngiti nito sa mukha.

" Good Morning iho. Maganda ata ang gising mo? " bati ng matandang tagapag-alaga.

" Oo nga po eh. Nakita ko kasi siyang nakangiti " tila parang nagulat ang matanda sa kanyang sinabi pero hindi na lang niya iyon pinansin.

" By the way Manang, dadating dito si Chelsea at sakin na sasabay. Alam mo na ang ibibigay ha? " tumango ang matanda bago siya nito iwan.

Inayos naman niya ang sarili para sa lakad nito. Napabuntong hininga na lamang siya ng mapatingin sa kung saan.

See you later, love.

" DADDY!!! " napatingin siya bigla sa pinto ng manggaling ang sigaw na iyon. May tumatakbong bata palapit sakanya. Napangiti siyang niyakap ang batang babae.

" I miss you! " bungad nito sakanya. Hinalikan niya ito sa buhok bago pakawalan.

" I miss you too baby, how's your trip? "

" You won't believe me, I saw snow white in real life. She's so beautiful " natatawa siyang nakatingin sa bata habang nagkukwento ito tungkol sa trip nito sa Hong Kong. Hindi niya maalis ang kagiliwan sa bata.

" Where's your Mom? " tanong niya.

" nasa baba po. Sabi niya hihintayin na lang daw po niya tayo dun " tumango tango siya.

" Ok, I'm done. Let's go? " ngiting ngiti na inabot sakanya ng bata ang kamay nito. Sabay silang bumaba at tama nga ito nandun ang Mommy nito. Nakangiti siyang tumingin dito at hinalikan ito aa pisngi ng makalapit sila.

" Chelsea, what did Mommy told you? " tanong nito sa bata. Nagtataka siyang pinagmamasdan ang mag-ina.

"  Don't run and shout " napayuko ito.

" And? "

" Don't just call Tito Daddy, Daddy "

" because? " natatawang nakatingin si Darryl sa bata. Nakayuko kasi ito at namumula ang tenga kapag nasesermunan ng nanay.

" cuz my real Daddy will get jealous. "

" Good. So what will you call Tito Darryl? "

" Tito Daddy. " nag-angat ng tingin sakanya si Cheska bago natawa.

" Under na under sayo si Raven " pang-aasar nito.

" Oh well, ako pinakasalan niya eh. Magdusa siya " they both laugh habang ang bata ay nakatingin sakanila.

" Na saan pala ang asawa mo? "

" May naiwan lang sa bahay, pabalik na rin iyon. Siya nga pala handa ka na ba? " biglang nagbago ang aura sa loob ng bahay na iyon. Hindi naman sinasadya ni Cheska na magtanong pero kasi...

" Always. " tipid nitong sabi sakanya. Tinapik nito ang balikat niya.

" She's happy, Darryl. "

" I know. " Agad itong napatingin sa bata na may hawak ng snow white na laruan. Kaya pala bigla itong nanahimik.

" Hindi pa ba tayo aalis? " napatingin sila sa bagong dating. Nakita nila si Raven na kararating lang. Hinalikan naman nito aa sentido ang asawa.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon