Chapter 35

3.4K 77 4
                                    

ALTHEA's POV

Nagising ako ng maramdamang may nakapalupot na kung ano sa bewang ko. Unti-unti kong dinidilat ang mga mata ko. Totoo ba 'tong nakikita ko? Pinikit ko ulit ang aking mga mata at dumilat muli. Hindi ako nananaginip dahil totoo nga. Pero anong ginagawa niya dito.? 

Sinubukan kong gumalaw pero mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko dahilan para mapahiga muli ako. Kanina pa ba siya tulog? pero bakit amoy na amoy ko pa din ang pabango niya? nakaka-adik. Oh Ghad Althea come back to your senses. 

Dahil mahigpit ang hawak niya hindi ko magawang makaalis, I heard my heart beat so fast at halos maghabol din ako ng hininga. Ghad! ano ng nangyayari sa akin?

Tinitigan ko na lang siya. From his long and curly eyelashes to the bridge of his nose and to his pinkish lips. Ghad Althea stop it! Rinig na rinig ko ang kalabog ng dibdib ko. He have this effect on me. Ano bang meron sayong lalaki ka?

I really do like him, No... I already love him again.

Ugh! Darryl you're driving me crazy. 

Naramdaman ko ang paggalaw niya kaya lumuwang ang hawak niya sa bewang ko and this is my chance para makaalis na sa kasama. Fortunately, I succeed nakawala nga ako sa mga bisig niya. Sumulyap muna ako sa kanya bago lumabas ng kwarto ko. 

Naalala ko ang nangyari kagabi, naghintay ako sa kanya. Basta ang naaalala ko lang nanonood ako ng T.V while waiting for him. So paano ako napadpad sa kwarto ko? 

Hindi kaya binuhat ako ni Darryl papuntang kwarto? 

Maisip ko lang yun may kung anong insektong nagwawala sa tyan ko. Pero siya kaya? 

" Gising kana pala Iha, nakahanda na ang breakfast niyong mag-asawa gusto mo na bang kumain? " may alam kaya si Manang? 

" Ah manang, sino po nag-akyat sa akin sa kwarto kagabi? ang naaalala ko po kasi nanonood ako ng TV sa sala " nakita ko ang pagngiti ni Manang. 

" Ang asawa mo iha, naabutan ko siyang inaakyat ka sa kwarto mo " so siya nga. Pero paano pala yung hinanda ko sa kanya kagabi? kumain ba siya? 

" ganun po ba? eh manang yung hinain ko po kagabi, nasaan na po?" 

" Ayun ba paggising ko kanina wala ng pagkain sa lamesa kaya ang naisip ko baka naubos niyo ng mag-asawa, kahit ang kusina malinis din. " 

Ibig sabihin kinain niya ang niluto ko?

" o siya iha aalis muna ako at kailangan kong mamalengke. May gusto ka bang ipabili? " umiling lang ako. Hinawakan lang ako ni manang sa braso at umalis na.

Naguguluhan pa din ako. Kinain ni Darryl yung niluto ko at siya pa nagbuhat sa akin sa kwarto at higit sa lahat katabi ko siya sa kama. Simula ng umalis ang parents namin bumalik rin siya sa kwarto niya pero ngayon..

" good morning " narinig ko ang boses niya sa likod ko. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay magulo ang buhok pero kahit ganun ang gwapo pa rin niya.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon