" You look so perfect, dear! " napangiti akong tinignan ang make-up artist. This is it. The day I will finally say ' hindi na kami napag-iiwanan '" Thank you Marem. Without you, this.." turo ko sa mukha ko. " Would never came out. " hinampas naman niya ko sa braso.
" Loka! with or without make-up, maganda kana! kaloka ka girl. " nagtawanan kami.
Who would have thought na after all those years dumating ang araw na sa muling pagkakataon magpapakasal na naman ako. At sa taong handa kong mahalin buong buhay ko.
" Uy! lalim ng iniisip mo ah? nervous? " napangiti lang ako. Yes, I'm nervous. Sino ba namang bride ang hindi kakabahan diba? Ikakasal ulit ako but this time wala ng fake marriage, wala ng deal, na lahat ng ito magiging totoo na.
I must say I'm the luckiest girl alive for having him in my life. Hindi niya ko sinukuan sa mga panahong kayang-kaya na niya ko sukuan. Sa mga panahon na naghihintay siya na balang araw maibabalik ang lahat sa dati. He has the right to give up on me, to leave me, to start anew..without me and yet he chose to stay by my side. Who on earth would leave someone like him? Yes, hindi naging maganda ang mga nangyari samin noon. Nagkasakitan, na nauwi sa hiwalayan, halos mawala na rin ako noon pero hindi siya sumuko, hindi niya ko iniwan, hindi niya ko hinayaan na lumaban mag-isa. He was my strength, my angel, my savior. He will always be.
Sobra akong bilib sa kanya habang kinukwento sakin ng pamilya ko pati na rin ang mga kaibigan namin kung anong sakripsiyo ang ginawa niya para lang maibalik ako. He almost lose everything that night pero hindi siya nawalan ng pag-asa. He was the one who told everyone not to give up, that there's still hope. Sa mga sinabi nila sa akin isa lang agad ang pumasok sa isip ko.. He grew. Hindi na siya yung nakilala ko noon. Natawa naman ako. Of course, I've been sleeping for 8 years malamang maraming pwedeng magbago. But, I can't really imagine hanggang ngayon na hinintay niya ko, kahit walang kasiguraduhan na magigising pa ko, he waited for me.
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hanggang ngayon malinaw na malinaw pa rin sa akin ang lahat magmula ng magising ako. Mag mula sa nagkagulo sila sa araw na bigla ako nagising.
" Da-Daryl " everything is blurred. Pero unti-unti ko silang nakikita lahat. Lahat sila ay nakatingin sakin. Binalik ko ang tingin kay Daryl na ngayon ay nakatulala lang
" Daryl " Tawag kong muli sakanya.
" Althea? you..you're awake. " biglang may luhang kumawala sakanyang mga mata. Naramdaman ko din ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay.
Hindi ko maaninag ng maayos kung anong nangyayari sa kanila. Lahat sila ay lumapit. Nandito sila. Hindi ko maintindihan ang kung anong sinasabi nila basta alam ko lang nagkakagulo sila.
" Anak, gising ka na! Gising na ang anak ko " I look at my mom. She's crying. Parang may kung anong kumirot sa aking puso ng makita kong lahat sila ay isa isang nagsi-iyakan.
" W-Why are you guys crying? Am I dead already? " a small hand suddenly hold my hand. Napatingin ako sakanya. She looks like..
" Tita Mommy, you're not dead. They're crying because you finally open your eyes. They missed you " nagulat ako sa sinabi ng batang babae na nasa tabi ko. I smiled at her. She's smart as her Mom. Kahit hindi ko alam kung gaano ako katagal bago magising ay alam ko na kung kaninong anak ito.
Dunating ang mga doctor. Unti-unti ay naiintindihan ko na ang mga sinasabi nila. I woke up after 8 years. I can't believe that. Sa walong taon na walang kasiguraduhan kung magigising pa ako ay napakadami na ng nangyari.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
Fiksi RemajaAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!