Chapter 45

3.3K 80 1
                                    

Nakabalik na kami ng Manila at start na ulit ng klase. 

Nasabi na namin sa mga parents namin ang tungkol sa amin ni Darryl nung una hindi pa sila naniniwala pero after that naging masaya sila sa amin. Papunta na kami ngayon sa school, sa totoo lang kinakabahan ako. 

" nervous? " tumango lang ako, I do trust my husband pero natatakot pa din ako. Ang uneasy pa din ng pakiramdaman ko. 

Magkahawak kami ng kamay ng pumasok kami sa school. Pinagtitinginan pa nga kami. Ang alam nila fiancee ko si Darryl at hindi kami ayos.

Pinisil niya ang kamay ko dahilan para maging panatag ang loob ko. Hinatid niya ko sa room namin kung saan napatigil ang mga classmates namin sa ginagawa nila nang makita kami.

" Let's have lunch together, alright? If anything happen I'm a text or call away. " tumango ako. Hinatak niya ko at hinalikan sa noo. Nawala ang mga takot at kaba na nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Narinig ko ang pagsinghap ng mangilang ilang studyante na nakakita sa ginawa ni Darryl. " Pumasok ka na "

" See you later " sabi ko bago tuluyang pumasok. Pag-upo na pag-upo ko dinumog agad ako ng mga kakaklase ko.

" When is the wedding?! " yan ang bungad na tanong nila sakin.

" Ok na kayo? "

" tuloy na ang kasal? " sunod sunod ang tanong nila sakin.

" What's the commotion all about? "Bigla silang tumingin sa pinto at doon nakasimangot na tumingin sa amin ang Professor namin. Agad silang nagbalikan sa upuan nila.

" Ikakasal na po si Althea! " sigaw ng isa kong classmate. Nagtilian sila at tumingin sa akin. Napasapo na lang ako sa noo ko at humarap kay Ma'am. Hindi siya nagulat sa sinabi ng classmate ko. Oh yes! Lahat ng professor ko at professor ni Darryl ay alam na kasal na kami. But they are prohibited to talk about our wedding or else they will get fired according to Chesca's auntie, the President of the School.

" T-that's good news. Ok let's start the discussion " hindi na napagusapan ang tungkol sa 'kasal namin ni Darryl'

Naging normal naman ang lahat sa sumunod na araw. Humupa din ang tungkol sa amin ni Darryl pati ang sa kanila ni Janine. Hanggang ngayon hinihiling ko na sana ganito na lang kami lagi, walang problema at kung ano pa man pero alam naman natin na impossible ang hinihiling ko.

" you ready? " napatingin ako kay Darryl at nginitian siya. Tumango ako at hinawakan niya ang kamay ko bago pumasok sa loob ng restaurant.

" Good Evening Sir and Ma'am "

" Stanford " tumango ang waitress at hinatid kami kung saan nandun sila Mommy at Daddy kasama sila Daddy Ken at Mommy Denise.

" Good Evening po! " humalik ako kila Mom and Dad at ganun na rin sa parents ni Darryl.

" Have a seat "

" you two look good together. Alam ko na magkakaayos kayong dalawa. Tama lang ang desisyon namin " tumawa si Mommy Denise.

" stop with the flattering, Mom. " tumawa naman sila Dad. Inihanda na ang pagkain namin. Nilagyan ako ni Darryl ng pagkain sa plato ko. Napatingin ako sa mga matatanda na nakatingin sa amin.

" Darryl " tumingin siya sakin saglit.

" yes? " ngumuso ako sa pwesto nila at mukhang naintindihan naman ni Darryl ang sinasabi ko.

" This is not the first time. Let's just eat, please " sabi iyon ni Darryl.

" hayaan na ang mga bata " narinig kong sabi ni Dad. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga business trip nila Dad. Nalaman ko rin na aalis ulit sila sa Saturday kasama ang mga Stanford. Napagdesisyunan naming mag-uwian na. Nakakatuwa silang kasama. Mamimiss ko na naman sila.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon