Chapter 53

3K 62 0
                                    

Menidlareg's POV (Third person's POV)

Isang linggo ang lumipas simula ng dinala sa ospital si Althea at nagising ito ay nandoon pa din siya para sa mga test na kailangan gawin sakanya.

May pasok na ulit kaya ang nagbabantay kay Althea ay sila Ian kasama ang magulang nito.

Dadalaw na lang sila mamaya pagkatapos ng exam nila. Wala naman ni isa sa mga schoolmates nila ang nakaalam sa nangyari sa kaibigan nila. Pati ang pagkalat ng issue na fake ang kasal nila ay nawala na lang na parang bula. Alam niyang inasikaso na ito ng dalawang pamilya at si Cheska.

Naalala ni Diane ang naging reaction ni Raven ng malaman ang lagay ni Althea. Hindi rin naman ito naniwala kaya napagdesisyunan nilang dalawin si Althea ng gabing rin yun.

Naabutan nila itong gising at kausap si Cheska.

* Flashback *

Diane's POV

Napahinto kami sa tapat ng pinto ng marinig namin ang nagsasalita. Sigurado akong si Althea yun.

Gising na siya?

Nakahalf-open ang pinto kaya pinigilan ko muna silang pumasok.

" Do you know what's the most painful battle? " tanong niya sa kausap na si Cheska.

" A-Ano? "

" The most painful battle is you're fighting alone without an assurance of winning. "

" Ano bang pinaguusapan nila? Bakit di pa tayo pumasok? " sinaway ko si Raven.

" Althea, hindi lang ikaw ang lalaban ok? Don't give up yet. " may pag-aalala sa boses ni Cheska. Pati ako ay nag-aalala rin sa mga salitang binitawan ni Althea.

Iniisip ba niya na mag-isa lang siyang lalaban?

Tumawa ito ng mahina. " lalaban? Paano kung alam ko namang hindi ko rin kakayanin? "

" Wag ka nga mag-isip ng ganyan! All you have to do is fight! Makinig ka lang Althea. If you want to live longer then fight! Wag mong hayaan na manalo ang sakit mo. May pag-asa ka pa Althea. Kung iniisip mo na wala kang kasama lumaban pwes nagkakamali ka! Nandito kami para sabayan ka sa laban mo. Nandyan ang magulang mo para lumaban rin para sayo. Wag na wag mong iisipin na nag-iisa ka! " may galit sa boses ni Cheska. Alam kong hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Althea.

Sino ba namang matutuwa diba? Kung sa simula pa lang gusto mo na agad sumuko?

" H-Hindi ko a-alam...n-natatakot ako." umiiyak na sabi nito. Pumasok na ako para patahanin siya. Gulat silang napatingin sa amin.

" Wag kang matakot. Nandito lang kami para sayo. Please Althea, wag mong isipin na nag-iisa ka. "

Tumango tango ito habang umiiyak.

* End of Flashback *

Pagtapos ng pag-uusap na iyon ay dumating ang mga magulang ni Althea. Gaya ng mga kaibigan nito ay pinilit siyang lumaban. Napapayag naman nila ito kaya sinimulan na ang mga unang test para sa kanya.

" Pupunta ka na? " napatingin siya kay Cheska. Nagliligpit na ito ng gamit niya.

" Oo. Sabay na tayo? " umiling ito.

" Dadaan muna ako sa Xtreme Cut. Nandun na naman siya sabi ni Raven " gulat itong nakatingin sa kanya.

" What?! " sigaw ni Diane. Hindi siya makapaniwala na matapos ang gabing iyon ay hindi pa rin pala natinag ang lalaki. Pabalik balik daw ito sa Xtreme Cut. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nito magkaganoon kung alam naman niya na kapag gusto niyang makausap si Althea ay hindi sa ganoong sitwasyon niya.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon