Hindi ko hinayaan na masira ang araw ko dahil lang sa nangyari kaninang umaga. Pero everytime na gagawin ko yun bigla na lang susulpot si Janine kasama ang mga kaibigan niya. Sinasadya niya ba talaga 'to?
Ngayon nandito kami sa isang island dahil nagi-island hopping kami. Nandito din sila Janine. Nagtatagpo ang mata namin at ngumingisi siya.
" don't mind her cous " yun lagi ang sinasabi sa akin ni Xyra. Hinahayaan ko na lang.
Hanggang sa nakabalik kami sa resort hinayaan ko ang paglapit niya kay Darryl.
Wala lang yun Althea.
" ready na ang lunch ipapadala ko na lang dito sa cottage " Diane.
" Here " inabot niya sa akin ang towel na hawak niya kanina. Nabasa na rin kasi kami dahil sa hampas ng alon. Tinignan ko lang yun at hindi kinuha.
" ok lang ako " hindi niya ako pinansin at ipinulupot ang towel sa katawan ko. Tumabi siya sa akin at sabay na pinapanood sila Cheska na naglalaro ng beach volleyball.
" I can wait... " nagulat ako sa pagsalita niya sa tabi ko. Nakatuon pa din ang tingin ko sa harap. "...until you tell me what's wrong "
Napasinghap ako. Ganito ba kahirap na mahalin ang isang tulad niya? Pakiramdam ko ako ang sumira sa kung anong meron sila ni Janine.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako.
" hi---- " hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sumigaw si Raven habang papalapit sa amin.
" mamaya na kayo maglambingan dyan. Tara sumali na kayo " hinatak ako ni Raven patayo.
" what the fvck raven "
" chill bro. Tara na " ngumisi si Raven habang hawak hawak ang wrist ko patakbo pabalik kila cheska.
" we need more players Althea " cheska. Tumango ako.
Magkakampi kami nila Cheska,Xyra at Justin habang sa kabilang team sila Raven, Justin, Cassey at Sky.
Napatingin ako kay Darryl na nakakunot ang noo. Nakatingin siya sa akin at agad na nagiwas ng tingin.
" Althea! Serve mo na " Raven. Tumango ako. Tinira ko na ang bola. Akala ko hindi makakalagpas sa net buti nalang. Bumalik ako sa pwesto ko. Napunta kay Cassey yung bola pero alanganin ang pagtira niya buti nalang katabi lang niya si Sky at agad na tinira papunta sa amin. Nakuha naman ni Justin ang bola at pinasa kay Xyra papunta kay Cheska na nagspike hindi yun nahabol ni Cassey kaya sa amin ang score.
" whoa! Nice! " Sky.
" sorry Cassey " Cheska
" wala yun " Cassey.
Tinira ko ulit ang pangalawang serve. Hindi ko na napansin na ang tagal na namin naglalaro.
" time out muna " napagod kami at agad na bumalik sa cottage. Nandun na sila Diane at nakahain na ang pagkain.
" Na saan si Darryl? " yun din ang napansin ko. Na saan na siya? Nandito lang siya kanina ah.
" nandito lang siya kanina. Baka nandyan lang yun " Raven
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng dumating si Darryl kasama si Janine. Nakita ko ang pagtingin ni Darryl at Janine sa akin na agad kong iniwas.
Hayaan mo na sila Althea.
Wag kang magpapaapekto.
" saan ka galing bro. Tagal mo nawala " Raven
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
JugendliteraturAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!