Chapter 27

3.7K 72 3
                                    

ALTHEA's POV

Nagising ako bigla dahil sa pakiramdam na may nakahawak sa kamay ko. Kinusot ko ang aking mga Mata. At tama nga ako may nakahawak sa kamay ko, sinilip ko kung sino siya at nagulat ako sa nakita ko.

'Anong ginagawa niya dito?' Sambit ko.

Kanina pa ba siya nandito? Bakit hawak niya kamay ko?

Inalog ko siya at unti-unti niyang minumulat ang mata niya. Kinusot niya muna ito bago mapatingin sa akin.

" gising ka na pala "  nakatingin pa din ako sa kamay na hawak niya. Napatingin din siya at agad na tinggal ang mga yun.

" anong ginagawa mo dito? Tyaka paano mo nalaman na nandito ako?" Habang sinasabi ko yun kinukuha ko ang sapatos ko.

" may sakit ka daw. Maayos kana ba? " napatigil ako sa ginagawa ko. Si Darryl ba talaga ang kasama ko? Anong nakain niya? " what? Hindi kaba magsasalita dyan? " may pagkairita sa boses niya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko. Sana hindi tama ang naiisip ko.

" ok lang ako. Sino bang may sabi sayong may sakit ako?" Bigla siyang napaiwas ng tingin. Ang weird niya ah.

" tumahimik ka na lang. Oh! Pinabibigay ng Mama mo " may inabot siya sa akin na paper bag. Pagsilip ko. 'Si mama talaga'

" nga pala Darryl " napatingin siya bigla sa akin. Nakataas lang ang kilay niya. Bipolar lang. " anong oras na? " naiwan ko kasi yung phone ko sa bag eh nasa classroom yun.

" nasaan ang phone mo? " alam kong sasabihin niya yan.

" 11am na. " 11 na? 3 hours din pala akong nakatulog. Kahit papaano nakabawi na rin ako ng tulog nawala rin ang sakit ng ulo ko.

" naiwan ko sa room yung bag ko nandun ang phone ko "

" dapat lagi mong dala ang phone mo in case of emergency. Paano kung may mangyari sayo? Paano ka namin kokontakin? Pag-aalahanin mo pa kami at isa pa ginagamit ang phone hindi pinangdidisplay sa bag " napatulala na lang ako sa sinabi niya. Tama ba tinig ko? Si darry nag-aalala sa akin?

" WHAT? "

" bakit ka ba sumisigaw dyan? "

" why are you not saying anything? "

" paano ako magsasalita kung iniintindi ko pa ang mga sinabi mo. I'm thinking are you the real Darryl Stanford? You look like someone who I never met before? " napasapo siya sa noo niya. Eh sa nakakagulat naman talaga. Hindi siya yung Darryl na nakilala ko na laging galit, laging magkasalubong ang kilay at laging bipolar.

" nababaliw kana. " tumayo siya bigla. " epekto ba yan ng pagkakasakit mo? " ako may sakit? Kelan pa? Parang hindi ko naman alam na nagkasakit ako.

" ano bang sinasabi mo dyan wala akong sakit. " sinabi ko yun habang sinusuot ang sapatos ko.

" wala kang sakit pero nakahiga ka dyan kanina at natutulog. " ganun na ba ngayon humiga ka lang at matulog may sakit ka na agad. Bakit hindi ako nainform tungkol dun. "  At saan ka naman pupunta? " tignan mo 'to ang sungit talaga.

" babalik na ko sa room. Baka hinahanap na rin ako dun "

" akala ko ba may sakit ka? Umuwi ka na lang at magpahinga " ang kulit lang niya.

" wala nga akong sakit. " may pagtataka naman sa mukha niya. E-explain ko pa ata para maintindihan niya. " wala akong sakit. Kung nagtataka ka kung bakit ako natutulog ay dahil masakit ang ulo ko kanina, hindi kasi ako nakatulog  ng maayos kagabi " bigla kong naalala ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog kagabi.

Pagtingin ko sakanya nagpipigil na siya ng tawa. Sinasabi ko na nga ba eh mangaasar lang 'to.

" anong nakakatawa? Baka nakakalimutan mong kasalanan mo kung bakit hindi ako nakatulog kagabi "

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon