Chapter 13

4.7K 102 1
                                    

ALTHEA's POV

Susunod na lang ako friend..nasa mall pa ako alam mo naman 'tong si Mom. 

- ok.

- Hey! stop that.. ok? nandyan ka na rin naman di gawin mo na tyka hello sabi mo paninindigan mo yan kaya go girl. 

- ok ok , basta dalian mo ha! 

- yup, bye! 

- bye!

" Althea let's go " pumasok na ako sa loob, nandito ako ngayon sa store ng tita ko, she's a designer and siya daw ang magdedesign ng wedding dress ko. 

Yes para sa wedding dress ko nga, sabi nga ni Diane panindigan ko na but everytime na maaalala ko na ikakasal ako, parang hindi kapanipaniwala. 

Sinunod ko lang ang sinasabi ni tita.. wala rin akong naintindihan dahil sobrang lutang ng pagiisip ko. 

" Althea! Althea .. " 

" po?" 

" ok na ba sayo ang sinabi ko, mas bagay kasi sayo yun " 

" ah.. opo tita ikaw na pong bahala " see ni hindi ko rin alam ang sinabi ni tita. 

After 20 minutes dumating na rin si Diane, siya ang napili kong bridesmaid, sinukatan na rin siya. Si chesca hindi ko alam pero ang pagkakaalam ko nagpasukat na siya kahapon dito rin kay tita. 

" let's eat na, gutom na ako " Diane

" hindi kaba kumain sa mall?" 

" kakain sana kaso nagmadali na ako dito .. ikaw kasi " so ako pa nga.

" ako pa talaga diane?" 

" sympre joke lang noh , oh ano tara na "  dumaretso kami sa mall, tapos na rin naman kaming sukatan. 

" Alam mo friend nakakainggit ka " nainggit? 

" bakit naman ?" 

" kasi tignan mo, mabait kana mayaman kapa, ang bait pa ng parents mo tapos ngayon malapit kanang ikasal yung dream wedding mo pa talaga. Nakakainggit lang na nasayo na lahat " 

" ano bang sinasabi mo dyan Diane , walang nakakainggit sa sitwasyon ko ngayon " hindi ko naman ginusto ang lahat ng 'to.

" nasasabi mo yan kasi hindi mo gusto yung taong pakakasalan mo, pero kung nagkataon na siya ang gusto mo sasabihin mo na ang swerte mo , na lahat ng gusto mo nabigay na sayo " ganun nga ba talaga? pero si Darryl? magiging masaya nga ba ako sakanya? 

" Diane alam mo ang lahat ng pinagdaanan ko so ano ang nakakainggit dun, at alam nating pareho na hindi madali ang nangyayari sa akin. " 

" but Althea everything's going to be fine after your wedding. " 

" nothing's gonna be fine Diane, sino ang magiging maayos ,ikakasal ka sa taong hindi mo naman gusto dahil lang sa pinagkasundo kayo bago pa man kayo mabuo sa mundong 'to.. lahat ng 'to planado diane" 

" haisst! ewan ko ba sa'yo Althea ang slow mo " slow ako? ako pa talaga. " hindi mo ba nakukuha yung point ko?" 

" ...." 

" ok , sinasabi ko 'to sayo kasi I want you to be happy, alam kong hindi maganda ang break up niyo ni Ian pero hindi ba it's time to move on? sabihin na natin na hindi nagwork ang relationship niyo ni Darryl and after 6 months magdivorce kayo, pero Althea are you sure na mababalikan mo pa si Ian? are you sure na hindi magbabago ang feelings mo? " 

Naguguluhan ako, bakit ba bigla biglang nagkakaganto si Diane , hindi ako sanay.

" What do you mean Diane?" 

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon