Chapter 42

3.2K 88 7
                                    

Third Person's POV

" You're cheating on me at sa harap ko pa talaga? Ganoon na ba kababa ang standard mo para sumama sa lalaking yun "

" I-I'm not cheating on you bastard! "

" I-I'm not cheating on you bastard! "

" I-I'm not cheating on you bastard! "

" you really are one heck of a bastard! " sabay lagok ng hawak niya tequila. Matagal na rin siyang hindi umiinom ng mangyari ang aksidente sa bar nila Chesca. Kanina pa siya sa bar kung saan nandun din ang nga kaibigan niya pero hindi niya ito pinuntahan at mas piniling mapag-isa. Hindi na niya mabilang kung nakakailan ng siyang shot ng tequila. Marami na ring lumalapit sa kanya and try hitting on her pero inuunahan na niya ito at kusang umaalis pwera na lang sa isang katabi niya na kahit anong gawin niyang pagtanggi hindi umaalis sa tabi niya.

" you're drunk. " pigil ng lalaki sa muling paginom ni Althea.

" you don't care. Leave me alone! " tinulak niya ito. Napakamot na lang ang lalaki sa kanyang batok at agad na umalis.

Nagkabitbalikat siya at napatingin sa bartender na nasa harap niya na nagtratrabaho. Napatingin ito sa kanya at ngumiti. Tss.

" another shot! " sabi niya dito. Nawala ang ngiti ng bartender pero agad din naman niya binigyan ito ng maiinom.

" until when are you going to drink? Kanina kapa umiinom miss at kanina pa tumutunog ang phone mo " inabot niya ang isang shot. Kanina pa din niya napapansin na tunog ng tunog ang kanyang phone. Imbis na sumagot nginitian na lang niya ito at lumagok ulit. Gumuguhit sa kanyang lalamunan ang ininom at kanina pa siya nakakaramdam ng init.

Sa huling pag-inom niya may kamay na kumuha sa kanyang shot glass at pabagsak na nilapag ito sa harap niya. Tinawanan niya ito. Panibagong lalaki na naman ba ito? Ganitong atensyon ba ang nakukuha niya sa mga ito? Isinandal niya ang ulo niya sa table at pinikit ang mata. Hindi na rin naman siya makakita ng maayos at nahihilo na din siya. Panigurado tinamaan na siya sa kakainom.

" let's go back " sa boses ng lalaking nasa tabi niya hindi na siya mag-aaksayang tignan ito kung sino dahil kilalang kilala na niya agad ito.

Inangat niya ang kanyang ulo para tignan ang lalaking nasa tabi niya. Ang lalaking dahilan kung bakit siya nandito sa bar. Ang lalaking dahilab kung bakit sobra sobra siyang nasasaktan ngayon.

" I'm *hik* not coming with you *hik* " tinulak niya ito pero hinawakan nito ang kamay niya  " hahaha, bitiwan *hik* mo ko! "

" Sir, mabuti pa pong iuwi niyo na siya kanina pa siya umiinom at nilalapitan ng kung sinu-sino " tumango lang siya sa sinabi ng bartender. This is all his fault.

" let's go back Althea " hinila niya ito. Agad napatayo si Althea at napasandal sa dibdib ng asawa. Sa hindi malamang dahilan agad na bumilis ang tibok ng puso ni Darryl. Itinulak niya konti si Althea para iharap ito pero ang dalaga ay nakapikit na. Napabuntong hininga na lang siya. He needs to get her out of here.

Binuhat na niya ito. Wala siyang pakialam kung tignan siya ng mga nakakabunggo niya. Pagdating nila sa resort nakatingin sa kanya ang mga taong nakakasalubong niya. Sino ba namang hindi mapapansin kung may karga kang babae na walang malay?

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon