Chapter 37

3.4K 74 3
                                    

Habang hinihintay namin si Diane na pumunta ng comfort room pumasok kami ni Cheska sa isang store. Shoe's store to be exact.

I don't know pero hindi talaga ako mahilig sa mga shoes lalo na sa mga shoes na may heels. Parang anytime mapuputol yun at masusubsob ako sa sahig.

" look at this Althea " hinatak ako ni Cheska palapit dun sa isang side ng store. Section ng mga heels ang pinuntahan namin. Magaganda ang design pero hindi talaga ako makakasuot ng ganyan.

" ano sa tingin mo maganda the blue one or the red one? " tinignan ko ang hawak niyang shoes sa magkabilang kamay. Parehong maganda ang hawak niyang shoes and for sure kahit ano mang suotin niya babagay sa kanya yan.

" both " ngumiti lang siya sa akin at inilapag ang dalawang sapatos.

" Miss, can I have this two? Size 8 and 2 size 7 "

" yes ma'am " inabot ni cheska ang shoes sa sales lady at pumasok sa kung saan.

" ang dami mo naman atang kinuha? " nginitian lang niya ako. Habang tumitingin sa mga nakadisplay na shoes.

" nandito lang pala kayo " pumasok sa store ang nakataas na kilay ni Diane. " akala ko iniwan niyo ko. Wow! " nilagpasan niya ako at may kinuha sa kung saan. Sinundan ko lang siya ng tingin.

" I like this one. " hawak niya sa shoes na hawak ni cheska kanina. Oh great! Pareho nga pala sila ng taste. Ako lang ata naiiba sa kanila?

" Miss eto na po yung pinapakuha niyo " may dalang anim na box yung babae

" what is that? " lumapit na din si Diane sa amin. Umupo ako sa tabi ni cheska habang si Diane nakaupo na din sa kabila.

" eto na po ma'am " inabot ng sales lady yung red shoes kay cheska.

" size 7? Try it Diane " inabot niya kay Diane yung shoes. May kung anong kinang sa mata ni Diane. Natawa na lang ako.

" kakakita ko lang nito ah "

" the other one is for you " may inabot din siya sa akin at ngumiti.

" for me? " tumango siya at nilapag sa harap ko ang shoes. " teka! I don't wear this kind of shoes. Alam mo yun cheska "

" oh come on, just try it. Bagay siya sayo for sure. "

"Per--- "

" please? " nagpout siya after pleading. Gusto kong matawa sa kanya. Pero hindi talaga ako nagsusuot ng ganto kataas na shoes.

" pretty, sakto sa paa ko " napatingin ako kay Diane na ngayon ay rumarampa na sa harap namin.

" bagay po sa inyo Ma'am " ngumiti si Diane at sinubukan naman ang isa pang shoes.

" come on Althea wear it. O baka gusto mo ako pa magsuot niyan sayo? "

" ma'am suotin niyo na po bagay po yan sa inyo " pinagtutulungan pa ata ako ng tatlo.

" ok fine. I'll wear it. Para sa ikakatahimik niyong dalawa " napabungisngis silang dalawa. Nang masuot ko na ang sapatos sakto sa paa ko at masasabi kong maganda nga ito.

Inalalayan ako ni cheska tumayo. Whoa! 5 inches heels ang suot ko malamang talagang tumangkad ako.

" I told you, bagay sayo. " sinubukan kong maglakad nung una muntikan pa akong matumba but later on parang nasasanay na ako. We try the other shoes at ganun din ang pakiramdam ko.

Hindi na nga namin napapansin yung ibang customer kasi todo sa pagramp yung dalawa. Akala ko nasa fashion show.

May mga click kaming narinig at napatingin sa labas. Ngayon lang namin napansin na ang dami ng nanonood sa amin. Siguro akala nila na may model na nagraramp sa loob ng shop. Pero kung ako tatanungin bagay nga maging model ang dalawa.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon