Pinakiramdaman ko muna ang pag-alis ng mga Farro bago ko binaling ang aking atensyon sa magulang ko.
" Baby, what's wrong? Why are you crying? " nakatitig lang ako kay Mommy na nag-aalala.
Does she know about my fake marriage?
" M-Mom " hindi ko na muli napigilan ang maiyak.
" Oh my ghad! " bigla akong niyakap ni Mommy. I want to know..
" Mom..d-do you know a-about my f-fake marriage? " naramdaman ko ang biglang pagkalas ng yakap niya sakin. Nagtataka ang mga mata nitong nakatingin sakin. Sumilip rin ako kay Dad pero bakas din sa mukha niya ang taka at gulat. " M-May alam po ba kayo sa nangyayari? "
" B-Baby.. " napapikit ako sa tono ng boses niya.
Ngayon...napatunayan ko ng ako lang ang walang alam sa kaganapan na nangyayari sa buhay ko.
Why me?
" What did I do wrong? Bakit ako ang sinasaktan niyo ng ganito huh? B-Bakit lahag kayo sinasaktan niyo ko! " hindi ko na napigilan ang sumigaw kasabay nun ang walang humpay na iyak ko sa harapan nila.
Bakit ang buhay ko ang pinaglalaruan nila?
" A-Anak, h-hindi iyon ganun. " naiiyak na sabi niya. Umilinh iling ako. Hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ng nangyayari umasa ako na wala silang kinalaman, umasa ako na hindi nila ako sasaktan gaya ng ginawa ni Darryl, umasa ako na iba sila pero nagkamali ako dahil pare-pareho silang pinaglaruan ako!
" MOM! ANONG HINDI IYON GANUN?! LAHAT KAYO ALAM NIYO ANG TUNGKOL DITO PERO NI ISA SA INYO WALA MAN LANG NAGTANGKANG SABIHIN SAKIN ANG TOTOO? HANGGANG KELAN NIYO KO PAGMUMUKHAIN TANGA?!! "
* Slap *
Nanlaki ang mata kong napatingin kay Dad. Galit ang mga mata nitong nakatingin sakin. Nanlumo ako sa ginawa niyang pagsampal sakin.
" How dare you shout on your Mom! "
" D-Dad! " sigaw ni Mommy sakanya. Mas lalong kumawala sa mata ko ang luha.. Sinaktan na ako sa emosyonal pati ba naman sa pisikal? Ano pa ang gagawin nilang pananakit sakin?
" She need to calm herself, nakalimutan na niya kung sino ang kausap niya! " sigaw ni Daddy. Napapakit ako sa sobrang panlulumo at sakit na nararamdaman.
" But you should not have slapped her! She's your daughter! "
Hindi na nakasagot pa si Dad. Napatingin sakin si Mom na may pag-aalala " Are you alright? " umiling ako. Hindi ako ok, hinding hindi.
" A-Althea..anak "
" I need answer Mom..Dad.. " pareho ko silang tinignan. " Do you have something to do with my marriage? Do you know about this? "
Sagot lang ang kailangan ko....please.
" Y-Yes " napapikit ako sa sakit..
Napatayo ako bigla. Wala na kong dahilan para magstay pa dito..
" Althea.." tawag ni Dad. Tinignan ko sila sa huling pagkakataon bago ako tuluyang tumakbo palabas ng office nila.
Ang sakit sakit.
Bakit nila nagawa sakin 'to?
Wala sa sarili akong nagpatakbo palabas ng building nila pero napahinto ako ng may nabunggo ako at sa lakas nun muntikan pa akong tumama sa sahig pero nahawakan niya ang magkabila kong braso.
Sa amoy ng pabango niya hindi ako magkakamali kung sino siya. Sobrang pamilyar sakin ang amoy na iyon. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya at nang magtama ang paningin namin hindi ko na napigilang maipikit ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
Teen FictionAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!