Chapter 23

3.7K 86 4
                                    


Chesca's POV

Break time na pero hindi pa namin nakikita si Althea simula ng lumabas siya ng room kanina.

" nandyan lang yun Diane. " hindi kasi mapakali ang loka. Parang hindi niya kilala si Althea. She's strong. She can handle herself.

" eeh. kasi naman chesca alam mo naman yung babaeng yun nasa stage pa ng pagmomove on. Pero alam mo nagulat ako sa sinabi ni Ian. Aalis na talaga siya? Hindi kaya si Althea rin ang reason ? "

kahit naman ako nagulat. Decision niya yun kaya wala na kaming magagawa dun. At kung si Althea man ang reason labas na kami dun.

" You know what Diane nagiging chismosa ka na rin. " napasimangot siya bigla.

" mas mabuti pa kwento mo sa akin kung bakit blooming ka ngayon " nawala ang simangot niya. Nangyari sa kanya?

" ah. ano.. hindi naman ah " nautal pa. Sabay lakad ng mabilis. Kita mo 'to biglang nangiiwan.

" Oi Diane hintay nga! " Hinintay naman niya ako at dumaretso kami sa tambayan namin.

Pagbukas na pagbukas ng pinto bumungad sa amin ang tatlong tao.

Si Janine,Nathan at.. Raven.

Tumingin ako sa kanya pero umiwas siya. Galit pa rin ba siya.?

" Hi girlfriend! " napatingin ako kay Diane at Nathan. Anong meron sa kanila?

" girlfriend ka dyan. Tabi kakain ako " tinulak niya si Nathan kaya napaside naman 'to.

" tamang tama gutom na ako. Tara " Inakbayan niya si Diane. Parang naguusap sila sa Mata at napatingin sa akin.

" why?!" pagtataka ko.

"  Janine tara sa labas tayo Kain " hinawakan niya ang pinsan niya at ang tatlo umalis. Naiwan ako at siya.

Nakaupo na siya ngayon at nagbabasa. Nagbabasa nga ba?

Chesca I think it's time para magusap na kayo.

Alam kong Mali ang ginawa ko sa kanya. And I admit it.

" ayaw mong umupo ? " sinabi niya yun habang nakatingin parin sa binabasa niya.

Bakit ayaw ko ang ginagawa niya ngayon. Ugh chesca magsorry ka na lang kasi.

" about sa nangyari I'm s---"

" wala na yun tapos na. Ang mga ganung bagay hindi na binabalikan pa " he cut me off. 

Sa tono ng pananalita niya naiinis ako. Ewan ko nakakainis talaga.

" Raven ano ba ! " napatingin siya sa akin. Cold eyes. It's my first time to see his eyes like that. So galit talaga siya?

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon