Chapter 12

4.8K 93 2
                                    

ALTHEA's POV

" kapag nakita ko ang lalaking yun tatapusin ko na ang buhay niya. " ang aga aga kanina pa nagkakaganyan si Chesca. 

Paano ba naman kasi yung nangyari kahapon sa canteen may pinost sa FB si Raven gamit ang account ni Chesca at ang nakalagay ay In a relationship with Raven Fortalejo. Kaya ganyan siya ngayon. 

" Easy ka lang girl, cute nga eh daming likes at comment " Diane. Tumingin ng masama si Chesca kay Diane. " oow.! easy ka lang nagsasabi lang naman ako ng totoo eh" 

Paano nakaabot na sa 10 k plus ang likes at ang comment halos 800 plus na rin , yung iba nagulat, yung iba nagcocongratulate, yung iba parang naagawan. 

" damn that Jerk! I'm gonna kill him swear " Chesca

" ilang beses mo na yan sinasabi girl.. if I know gusto mo na rin naman si Raven " Diane

" naririnig mo ba sarili mo Diane? ako magkakagusto sa unggoy na yun? No way! mas gugustuhin ko pang mabuhay magisa kesa magkagusto sa unggoy na yun " 

" babe naman wag ganyan malulungkot ako " Napatingin naman kami sa likod and there nandun si Raven palapit sa amin kasama si Sky.

" hindi lang sa Fb pati sa Twitter, trending kaya kayo kagabi " Diane

" really? see kung gaano ako kasikat babe! daming umiiyak na babae kagabi dahil ikaw na daw girlfriend ko " 

" huh? do I know you? " sabay irap ni chesca. 

" babe naman, " Raven

" Babe your face, get lost! " sabay talikod at lakad palayo. 

" Your girl is angry go follow her  hahaha " pangaasar naman nitong si Sky. 

" such a cry baby, got to see you later! habulin ko lang si babe baka makuha pa ng iba mahirap na " sabay takbo naman ni Raven. 

" I smell something fishy, yan bang si raven gusto na ba talaga yang si Chesca?" Diane. 

Napansin din pala ni Diane yun, babe naman talaga kasi ang tawag ni raven kay Chesca kahit noon pa.. ang alam namin pangasar lang ni Raven kay Chesca yun pero bakit ngayon parang nagiging totoo na?

" we don't know, alam mo naman yang si Raven malakas lang talaga mangasar " Sky

" tama ka dyan sky, nga pala pinapatawag ako sa office kaya babalik muna ako sa campus, maiwan ko muna kayo ah, ui friend maya na lang aah, bye! " 

" bye! " umalis na si Diane, kami na lang naiwan ni Sky dito. 

" so..." 

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon