A/n: Hindi ko napansin na 9k reads na ang MTMAG, Thank you po sa mga readers na walang sawa sa paghihintay ng update ko at sa pagbabasa. Akala ko wala ng babasa nito dahil sa sobrang tagal kong hindi paguupdate. Sobrang busy ko last summer at ngayon pasukan na mas magiging busy na naman ako. Nawala yung draft ko sa Chapter 27 kaya sobrang nafrustrate ako na halos naisip kong hindi na magupdate dito kaya lang naisip ko yung readers na naghihintay at hindi nagsasawang basahin ito, kaya eto na po ulit ang Update ko :)
+++++++++++++++++++++++++++++++
ALTHEA's POV
Hindi ko na tinanong si Darryl kung saan kami pupunta dahil alam kong dadaretso na rin naman kami sa bahay. Tahimik lang ako buong byahe hindi ko lang alam dito sa kasama ko ngayon na paulit ulit nagbubuntong hininga. Ang weird niya talaga ngayon araw simula kaninang umaga. Ayan na naman siya.
" Darryl may problema ka ba? " tumingin lang siya sa akin at binalik ang tingin sa daanan. Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas, mukha namang hindi rin siya magsasalita. What do you expect from Darryl Stanford? Psh!
Napansin ko ang dinadaanan namin hindi ito ang daan pauwi sa bahay, hindi kaya sa sobrang occupied ng isip ni Darryl lumagpas siya? " Darryl, hindi ito ang daan pauwi sa bahay "
" sino bang may sabing uuwi tayo " nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
" gusto ko ng umuwi kaya iliko mo na " pagod na pagod ako at wala na akong lakas para sumunod sa mga pauso niya. Gusto ko ng matulog. Hindi siya sumagot. Bwesit! tumingin na lang ulit ako sa labas mukha namang hindi siya liliko at hindi rin magsasalita. Sa sobrang pagod ko hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
Nagising na lang ako sa mga naririnig kong ingay sa labas, napaayos ako ng upo at tinignan ang labas para malaman ang nangyayari. Na saan ako? napatingin ako sa driver's seat pero wala si Darryl, na saan naman ang isang yun?
Lumabas ako ng kotse, nangilabot ako bigla sa sobrang lamig. Nasa tagaytay ba kami? tinignan kong mabuti ang paligid, sa Tagaytay nga. Anong pumasok sa kokote ng lalaking yun at dinala ako dito sa tagaytay?
Kung hindi ako nagkakamali nandito kami sa park. Hinahanap ng mata ko si Darryl hanggang sa nakita ko siya na papalapit na may hawak na plastic sa dalawang kamay niya.
" Saan ka ba nanggaling at bakit nandito tayo? " tanong ko agad sa kanya pagkalapit niya sa akin. Hinagis naman niya ang plastic na hawak niya buti na lang nasalo ko.
" Wear that " Hindi ko namalayan na unti-unti ko ng sinusuot ang sweater na binili niya. Ang weird talaga ng lalaking 'to ngayon. " gutom ka na ba? " nalaglag na naman ang panga ko. Si Darryl ba talaga 'to?
Pero sa totoo lang gutom na talaga ako. " oo, kakain na ba tayo? "
" hindi " tipid niyang sabi sabay ngisi. Pinagloloko ba ako ng lalaking 'to?
" kidding, tara " sabay hablot sa kamay ko, nagulat ako sa inaakto niya ngayon una tinulungan niya ang section namin, pangalawa dinala niya ang breakfast ko, pangatlo binilan niya ako ng sweater, at pangapat nakahawak siya sa kamay ko. Nagugulahan na ako sa inaakto niya at naguguluhan na rin ako sa nangyayari sa akin dahil kasalukuyang ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
Teen FictionAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!