" Wait, what?! " halos mapatalon sa gulat si Diane ng marinig ang sinabi sakanila ni Sky. Nasa cafeteria sila at pinag-uusapan ang ginawa ni Darryl." So you mean may alam na siya? " kunot noong tanong ni Diane sa kaibigan.
" I don't think he knows everything. You know him sooner or later malalaman niya ang lahat. " napailing iling si Diane sa nalaman. Alam naman niyang malaki ang posibilidad na malalaman ito ng kaibigan pero hindi nila alam ang dapat gawin.
" Do you think it's time to tell him the truth? " lahat sila ay napatingin kay Cheska.
" Ano? " nagtatakang tanong ng boyfriend nito sakanya.
" Satingin ko panahon na para malaman niya. He has the right to know everything. You see? Siya na gumagawa ng paraan para malaman niya kung nasaan si Althea. Gaya nga ng sabi ni Sky sooner or later malalaman din niya. Why not now? Alam naman na rin ni Althea ang totoo. " mas lalong nagulat ang mga lalaki sa nalaman. Napayuko lang si Diane sa sinabi ni Cheska. Alam na niya kasi ang gustong iparating ng kaibigan at alam niyang tama ito.
" Alam niya? Alam na niya ang lahat? " nagtatakang tanong ni Sky. Tumango si Cheska at siya na mismo nagsabi sakanilang lahat. Sinulyapan niya si Ian na nakikinig lang din sa mga sinasabi niya. Alam niyang papayag din ito sa gusto niyang mangyari. He wants best for Althea to get better at alam niyang isa doon ang lalaki.
" Pero sabi mo ayaw ni Althea? "
" Ayaw niya pero hindi ibig sabihin nun hahayaan natin siya na lumaban mag-isa. Yes, nandito tayo but do you think sapat na yun ng wala si Darryl sa tabi niya? She's scared. And I know matutulungan siya ni Darryl. Palalakasin niya ang loob nito. We all want the best for her, right? " nagtanguan ang mga ito.
" But how about her parents? "
" Ako ng bahala kumausap sila. The important thing right now is to let him know. She needs him and I know he need her too. " lahat sila ay sumang-ayon sa sinabi ni Ian.
Mas makakabuti nga na hayaan si Darryl ba makasama si Althea. Kailangan nila ang isa't-isa.
*****
Cheska's POV
Tinanghali ako ng gising kaya hindi ako magkandaugaga sa pag-aayos ng gamit para makapasok. Pinahanda ko na kay Manang ang sasakyan. Pagbaba ko naabutan ko ang babaeng iyon. Damn, what is she doing here again?
" Ano na namang ginagawa mo sa pamamahay ng Mommy ko " emphasizing my Mom.
" Lagi ka ng nalalate. Kamusta na si Althea? "
" Mind your own fucking business. " dinaanan ko lang siya bago lumabas. May lakas ng loob pa siya magtanong? Aba kakaiba din naman pala.
" O iha, ready na ang sasakyan. "
" Thank you Manang "
" Teka, hindi ka na ba kakain? "
" Hindi na po. Nagmamadali na po ko eh " papasok na sana ako sa kotse ng bigla akong may naalala.
" Manang, may kalat pala dyan sa loob. Malaki eh pwedeng pakilinisan? Sana pag-uwi ko wala na. Thanks " pumasok na ko ng sasakyan. Mabilis naman akong nakapunta ng school kaya lang konti na lang ang studyanteng nakikita ko sa labas. Oh well. Nagsisimula na kasi ang klase.
Napadaan muna ako ng cafeteria.
" Coffee please "
" Yes Miss. " nang iabot sakin ang coffee ko lalabas na sana ako ng cafeteria ng may mahagip ang mata ko. I saw him sitting near the glass wall.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
Novela JuvenilAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!