Naramdaman ko ang paghawak ni Ian sa kamay ko. " are you ok? "
I smiled at him, ayokong isipin niya na may gumugulo sa akin. Sinerve na ang food namin, pero bakit hindi pa din mapirmi ang sarili ko.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.
Message ( Darryl )
I told you I'll fetch you, why are you with him?
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin. Matatalim ang mga tinatapon niyang tingin sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa phone. Anong gusto niyang mangyari? Susunduin niya ako? Nagpapatawa ba siya? Ano naman sa kanya kung si Ian ang kasama ko?
Message ( Althea )
It's none of your business, and do you think I believe you?
Binaba ko ang phone ko. Bumabalik na naman ang inis ko sa lalaking yun.
" let's go " napatingin ako kay Diane na hinahatak na palayo si Chesca.
" saan sila pupunta? "
" dance floor " iling ni Nathan.
" excuse me guys, powder room lang " paalam ni Janine. Kanina ko pa din napapansin ang patingin tingin niya sa akin at ang pagiging tahimik niya.
" I'll go,too. Need to talk to SCO " paalam din ni Ian. Kami na lang apat ang natira hanggang sa dumating si Sky.
" hey guys, sorry I'm late " sky.
" always naman " raven.
" hi pandak "
" hello " napatingin siya kay darryl at napatingin ulit sa akin.
" bakit magkalayo kayo? " kahit kelan ka talaga sky. Magsasalita pa sana ako ng inunahan niya ako. " diba magkadate kayo? So you should be beside her "
Sky! Hindi kami magkadate, si Janine ang kadate niya. Gusto ko sabihin kay sky yun pero sumasakit ang lalamunan ko. Eto na naman ang kaweirduhan ko, naiiyak ako.
Nagulat ako sa pagtayo ni Darryl at umupo sa upuan ni Ian. Nakita ko ang pagngisi ng tatlo.
" that's better. Nasaan sila chesca at diane? " hindi ko na naintindihan pa ang pinagusapan nila dahil kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Kinilabutan ako sa bumulong sa tenga ko. " it's my business afterall it's not a good idea that your wife is having a date with her ex " napatingin ako sa kanya ng matalim
Anong gusto niyang iparating na nagchecheat ako sa kanya? Bakit? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
" anong gusto mong mangyari na ikaw ang date ko? " nagtitigan lang kami. Yung inis ko sa kanya to the highest level na.
" yes " tipid niyang sabi,pero may kung anong kumalabog sa dibdib ko ng sinabi niya yun. Gusto niha ako kadate? Hah! Althea wag kang magpapaniwala sa kanya.
" wag ka ngang magpatawa, gusto mo ko kadate pero si Janine ang kasama mo? Ibang klase ka rin eh " nakita ko ang pagyuko niya. Tama naman ako diba? Sinong maniniwala na idate niya ako eh siya 'tong may kadate na iba.
" kilala kita darryl at hinding hindi mo ako maloloko, kung ginagawa mo 'to para asarin at galitin ako. Sorry but I won't fall to your stupid game "
Tumayo ako para makalayo sa kanya. Nakasalubong ko pa nga sila Diane at Chesca pero nilagpasan ko lang sila. Dumaretso ako ng powder room. May nabangga pa ako. Nang tignan ko ang nakabangga ko si Janine.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
TeenfikceAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!