Chapter 1

16.1K 176 3
                                    




Althea's POV

" Althea are you sure about this? " am I? ugh! I can't think straight!. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

" I..I don't know, Diane. Alam kong masasaktan ko siya. "

" Alam mo, hindi mo naman kailangang gawin yan diba, ikaw na nga nagsabi labag sa loob mo at ayaw mo siyang masaktan then wag mong gawin " Is that the right thing to do? Pero..

" Alam mo rin Diane ang mangyayari kapag hindi ko yun ginawa. Sabihin ko man sa kanya ang totoo o hindi mangyayari ang dapat mangyari.."

" Napakahirap ng sitwasyon mo Althea, I don't know how I can help you but the best thing I can do is to support you to your decision and.. now here he comes. " napatingin ako bigla sa likod ko. It's...

" I miss you, baby " he hug me. I hug him back. Oh Ghad! gusto kong maiyak bigla. He's so perfect to be true.

" I miss you too " Is this the man I'm going to lose?

* Cough * * Cough *

" until now hindi ka padin sanay Diane?" bumitaw na ng yakap sa akin si Ian at hinarap si Diane. Tumabi siya sakin.

" napakacheesy kasi at ako'y nilalanggam .. kating kati na ako oh!"

" maghanap ka na rin kasi ng maglalambing sayo ng sa ganun hindi kana nilalanggam dyan. " natawa ako bigla. Sinamangutan naman ako ni Diane.

" ay nako Ian.. just wait and see.. kung sino man yun mas cheesy pa kami sa keso " Diane. Natawa na lang talaga kami. Buti na lang kahit papaano ay nadidivert ko sa ibang bagay ang aking pag-iisip.

" By the way I have to go, naalala kong may kailangan pa kong bilhin sa Mall. Bye, you two! " Nakatingin lang ako sa pinaglabasan ni Diane. Ngayong umalis siya naisip ko na naman ang kailangan kong gawin. This is so hard.

" Baby, Is there something wrong? kanina ka pa tahimik. " Napatingin ako sakanya bigla. I don't want him to think na may pinoproblema ako, as much as possible ay ayoko munang bigyan pansin iyon kapag kasama ko siya.

" I'm fine. Gutom na ko, kain tayo? "

" turo-turo?" I smiled at him. Lumabas kami ng school. Merong malapit na turo-turo na lagi namin kinakainan. Actually, ako ang nagturo sa kanya na kumain doon. Hindi talaga siya kumakain ng ganun nung una ko siyang nakilala. Ayaw pa nga niya nung una pero napilit ko siya at nagustuhan niya.

Umorder agad kami ng lagi naming kinakain. Ngumiti samin si Manong Firo at agad na niluto ang amin.

" May iba ka pa bang gusto bukod sa kwek-kwek at siomai? " nakangiti akong tumingin kay Ian. Hindi ko na nga napansin na nakatitig na ko sakanya.

Ito ba ang taong bibitawan ko? Na walang ibang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ako?

Hindi ko kaya. Hindi.

" Hey, are you alright? Why are you crying? " bigla kong dinala ang kamay ko sa mukha. Shit!

" H-Hindi ah. Napuwing ako. Ouch! " nagkunwari akong napuwing ulit. Damn this tears. Hindi ba pwedeng mamaya na lang kapag hindi ko na kaharap si Ian.

" Eto na ang order niyo lovebirds. " kinuha ko agad iyon kay Manong. I face Ian and smiled at him to let him know na ayos lang ako.

" Ang dami naman nito. Hindi ko 'to mauubos Ian "

" Kulang pa nga yan sayo eh. " Sinimangutan ko siya. Ginulo naman niya ang buhok ko ng bahagya. " Ian! "

Tumawa siya. Damn it! " Sorry, sige na kainin mo na yan. " Tumango ako. Inaya ko siya sa park na malapit. Hindi naman niya ko tinanggihan. Umupo kami sa isang bench na malapit sa fountain ng park. It's really nice to be here.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon