Chapter 39

3.1K 79 4
                                    

" wake up guys. Nandito na tayo " nagising ako dahil sa boses ni Diane. Napatingin ako sa paligid, nakahinto na ang sasakyan at nakikita ko na ang mga puno at sasakyan sa labas. Napatingin ako sa katabi ko, nakapikit pa din ang mga nata niya habang nakasandal sa balikat ko.

" wake him up Althea. " Cheska. Ngayon ko lang napansin na nasa labas na silang lahat.

" Darryl, nandito na tayo " agad naman siyang nagising. Pinagmasdan muna niya ang paligid bago tumuppingin sa akin.

" let's go " bumaba siya ng sasakyan. Sumunod na rin ako sa kanya.

" let's take a picture guys! " Diane. Nagkumpulan kami at nagpicture.

" whoa! Finally nandito na tayo " Raven.

" sige, sumigaw ka lang dyan iwan na ang mga gamit mo " bitbit na ni Cheska ang bag niya. Pumunta na din ako sa likod para kunin ang gamit ko.

" ako na dyan. Eto na lang dalin mo " Justin.

" Sabi mo yan ah " kinuha ni Xyra yung bag ng camera at naglakad na palayo. " Dalian mo just! "

" bring that " nabaling ang tingin ko sa sinabi ni Darryl. Bitbit na niya ang bag ko at inabot naman niya sa akin ang plastic na may lamang mga pagkain namin.

" ako na dyan sa gamit ko " kukunin ko sana kaso iniwas niya at naglakad na palayo.

Ok sige bahala ka dyan. Sumunod na rin ako sa kanila.

Ang sabi ni Diane mas maganda na sa resort na lang daw kami magstay kesa sa villa nila. Pupunta na lang daw kami dun bago umuwi.

Napansin kong marami ring mga tao sa resort nila. Malapit na ang pasko pero hindi ko inakala na maraming pupunta sa mga panahon na 'to.

" Ma'am Diane. Welcome back po " may lumapit kay Diane na isang babae at lalaki. Sa pagkakaalala ko sila yun namamahala ngayon sa resort.

" Good Morning Manang Lora, Manong Gary. Napahanda na po ba yung mga kwartong gagamitin namin?" Diane.

" Opo Ma'am. 2 suites po ang nakaayos na para po sa inyo " wow.

" thank you Manang. Pupunta lang ako ng front desk. Dito muna kayo " tumango lang kami. Umalis si Diane kasama ang dalawang matanda.

" Magbar tayo tonight. " pang-aaya ni Raven.

" sige bar kayo. Magbabar din kami, right girls? " cheska

" No. Sa kwarto lang kayo " Raven.

" no! Magbabar kami. Ano gusto mo magmukmok kami sa kwarto? Like Duh! " Cheska. Napasapo na lang ako sa noo ko. Napatingin na lang ako sa dagat ng may mahagip ang mata ko.

Wait! Si Ja---

" Let's go na guys " bumalik si Diane na may hawak ng susi. Inabot niya yung isa kay Nathan.

" Magkakasama kaming mga girls sa isang room and you boys sa isa. " aangal pa sana si Raven ng pigilan siya ni Diane. " walang aangal. Si dad ang nagpabook ng rooms. "

Napakamot na lang sa ulo si Raven. Napatingin ulit ako sa dagat and there nakita ko siya kasama ang dalawang babae at tatlong lalaki.

" Althea, let's go " bumabalik yung mga pangyayari ng mga nagdaang araw.

" Althea " bigla akong nainis. Bakit nandito siya? Sinasadya ba niya? Alam ba niyang pupunta kami?

" Althea! " napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakatitig lang siya sa akin na parang naiirita.

" I'm calling you and you're spacing out " lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Naglakad na kami kung saan nandun sila Diane.

Binitiwan na ni Darryl ang kamay ko.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon