Chapter 52

3.2K 72 1
                                    

Diane's POV

Nilipat na nila si Althea sa private room nito. Nasa labas kaming lahat bukod kila Tita at Tito na nasa loob at kausap ang mga doctor. Nang ipaalam sa amin kung ano ang tunay na kalagayan ni Althea ay sobra akong nanlumo at nanghina. Hindi ko akalain na sa kabila ng mga ngiti niya ay may nararamdaman na pala siya na hindi sinasabi sa amin.

Leukemia?

Hindi talaga ako makapaniwala na may sakit na pala siya na ganyan.

Bakit siya pa ang nagkaroon niyan?

Napatingin ako sa mga kasama ko na hanggang ngayon ay tulala sa mga nalaman. Si Sky na nakaupo sa tabi namin ni Cheska na nakasandal ang ulo sa wall habang nakapikit. Kitang kita ang pagpipigil niya sa pagluha. Si Cheska na nakahawak ang kamay sa akin. Alam kong hindi rin siya makapaniwala. At si Ian na nakatayo sa gilid ni Sky na nakasandal rin sa wall habang nakacrossed arm. Pare-pareho kaming gulat at takot sa maaaring mangyari. Sana...sana...walang mangyaring masama sakanya.

Napatingin kami sa pinto ng bumukas yun. Lumabas mula doon ang mga doctor. Nakita ko na nakadilat na ang mga mata ni Althea.

Napahinga ako ng maluwag sa nakita.

" G-Gising na siya " sabi ko bigla. Alam kong napasilip din sila sa loob.

Umiiyak siya na kausap sila Tita.

" No.. Sinasabi niyo lang yan " iling iling na sabi niya. Parang biglang kumirot ang puso ko sa nakikita ko.

" I don't believe you! No...No.. " naestatwa lang ako sa kinakatayuan ko. Wala man lang akong magawa para mapagaan ang nararamdaman niya.

Nagsimula siyang magsisigaw. Pumasok sila Sky at Ian para tulungan sila Tita na mapakalma siya.

" Althea..Althea..calm down "

Biglang pumasok ang doctor at nurse. Napaatras naman sila Sky at hinayaan ang mga ito na pakalmahin si Althea. May kung ano silang tinurok sa kanya para mapakalma ito. Unti-unti naman siyang kumalma hanggang sa unti-unti ring pumikit ang mga mata nito.

" She's fine Mr. Young. Pinakalma muna namin siya. " ani Doctor.

" Thank you, doc. " Tita Sofie

" We will do our best to find her a perfect donor and as soon as possible we will proceed to the operation. For now, we'll do some test for her. " wait! O-Operahan siya?

Napatingin ako kay Cheska. Gulat din ito sa narinig. " Akala ko ba treatment lang? " tanong ko sakanya.

" I..I don't know. " aniya.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nagbabantay kay Althea. Nagpaaalam muna sila Tito at Tita na kukuha ng mga damit sa kanilang bahay. Nakaupo si Ian sa couch habang katabi si Sky. Kami naman ni Cheska ay parehong nasa magkabilang side ng kama ni Althea.

Hindi pa din siya nagigising simula kanina na pinakalma siya ng doctor. Alam na ba niya ang tungkol sa operation na gagawin sakanya?

" Hindi pa ba tumatawag si Darryl? " napaangat ako ng tingin kay Cheska. Oo nga, si Darryl!

" Hindi pa. Hindi pa din tumatawag si Nathan. Sayo ba..si Raven? " umiling siya. So wala pang nagsasabi kay Darryl tungkol sa lagay ni Althea?

" Kailangan natin sabihin sakanya ang kalagayan ni Althea "

" Hindi " napatingin ako bigla kay Ian. Nakatingin na siya sakin. A-Anong hindi? Hindi namin ipaalam? Nahihibang na ba siya?

" Anong hindi? May karapatan siyang malaman dahil asawa siya ni Althea. Nakasisigurado ako na hanggang ngayon hinahanap pa rin niya si Althea. " paliwanag ko.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon