Kinaumagahan ay nagising ako sa walang humpay na tawag mula sa cellphone ko. Kanina rin ay may tumatawag pero hindi ko na iyon pinansin pa. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang tinagal ng tawag ng tawag sakin.
Hanggang ngayon ay nagriring ang phone ko. Sa inis ay sinagot ko na iyon.
" Hello?! Bakit ba kanina ka pa tawag ng tawag?! " Inis na sabi ko.
" Whoa! Easy, kakatawag ko lang. " kunot noo akong napatingin sa phone ko. Si Skyler.
" S-Sorry! Kanina pa kasi may tumatawag sakin eh hindi ko na napansin yung pangalan. Bakit ka nga pala napatawag? "
" Where are you?! "
" Nasa bahay pa ako. "
" Great! Don't go somewhere. I'll be there in 10 minutes. "
" T-Teka!.. Ba-- "
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang pinatayan niya ko ng tawag.
Napatingin ako sa screen ng phone ko. Problema nun?
Dahil hindi na ko makakabalik sa tulog ko at saktong 9am na dumaretso na ako sa c.r para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ay dumaretso ako sa kwarto ni Darryl. Baka gising na din ang isang iyon.
Pagbukas ko ng pinto sumalubong sa akin ang malamig na kwarto. Hmm. Mukhang wala na siya ah?!
Pagpasok ko ay tama nga ako wala ng tao sa loob. Saan na naman pumunta ang isang iyon? Hindi ba talaga marunong maghintay ang isang iyon?
" Manang, na saan na naman po si Darryl? " tanong ko ng makababa ako. Naglilinis kasi siya sa kusina nun.
" Ay nako iha ang batang iyon ay nagmamadaling umalis. May kausap siya sa telepono kanina at nagmadali. Hindi na nga niya natapos ang kinakain eh " nagmamadali?
" Sino daw ho iyon? "
" Hindi ko alam basta kanina sabi niya hahatiran ka daw sana niya ng pagkain pagtapos niyang kumain at hindi ka muna ginising. Ewan ko ba sa batang iyon at noong isang araw pa laging nagmamadali " aniya. Na saan na naman ang isang iyon kung ganun? " Nako ang mas mabuti pa kumain kana. Baka malate ka pa iha. "
" Oo nga po. Napasarap po ko ng tulog. "
" Mukha nga iha. Oh siya, kain na " tumango ako. Naalala ko bigla si Skyler.
* BEEP BEEP *
" Si Sky na po ata yan Manang "
" Aba anong ginagawa niya dito? Oh siya ako ng bahala dun " lumabas si Manang. Dumaretso lang ako sa pagkain ko. Narinig ko na ang boses ni Sky kaya napalingon na ko.
" Good Morning! " bati ko sakanya. Pero seryosong mukha lang ang binungad niya sakin.
" Good Morning Althea! " nagulat ako ng mula sa likod ni Sky ay nandoon si Cassey.
" Cassey?! "
" Hi! " lumapit siya sakin at niyakap ako. Napatingin ako kay Sky na daretso lang ang tingin sakin. Napakunot noo akong tumingin sakanya.
" May problema ba? Bakit pala nandito kayo? " tinignan ko sila pareho. Gaya ko ay nagkatingin din silang dalawa.
" W-Wala naman. Dadalaw lang. Pakain nga " nagulat naman ako kay Sky. Hindi naman kasi basta basta pupunta ng bahay 'to kung wala siyang sadya eh.
Pinagmasdan ko lang sila na naupo sa tabi ko. " Siguradong walang problema? "
" Wala. Gusto lang namin tumambay dito " tatambay?
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
TeenfikceAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!