Chapter 25

3.8K 80 2
                                    

ALTHEA's POV

Ang sama talaga ng ugali ng Darryl na yun. Alam niya na nandun si Ian. Ano bang binabalak niya? Gusto niya bang pagselosin si Ian? Pwes mali siya dahil hindi na yun magseselos.

'Hindi na'.

" wala ka bang balak galawin yang pagkain mo? "  napatingin ako kay cheska na kasalukuyang umiinom. Isa pa siya alam kong may alam siya sa nangyari. " stop staring like that Althea "

" tell me alam mo diba? " nilapag niya ang hawak niyang inumin.

" anong alam ko? " sabi na yan ang sasabihin niya.

" Wa-wala. Nevermind " ngumiti lang ito. May kakaiba talaga sa kinikilos ni Cheska. Hindi ko na lang ulit pinilit pa yun dahil for sure tatanggi siya o di kaya wala talaga siyang alam? Ay ewan.

" Hi beautiful! " napaangat ako ng ulo sa lalaking nagsalita. Si raven pala. " Hi althea! " bati nito sa akin sabay upo sa tabi ni Cheska at akbay.

Isa pa itong dalawang 'to after ko malaman ang nangyari kila Nathan at Diane sila rin may balita. Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko?  Pero kahit ganun masaya ako dahil masaya sila.

" Hi raven! "

" ang bilis kumalat ng balita noh " panimula nito. Anong balita naman yun?

" anong balita? " tanong ko sakanya.

" hindi mo alam? Look " nilabas niya ang phone niya at may kung anong ginagawa siya at inabot sa akin. Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko.

'Darryl Stanford and Althea Young Sweetness ?!'

Yan ang caption na nakalagay. Paanong nasa FB na agad 'to?

" sweet niyo ah, may papunas punas pang nalalaman. " pang-aasar ni Raven.

" A-ano bang sinasabi mo dyan. " ba't ba ako nauutal. Kainis naman 'tong si Raven.

" pwedeng tumabi? " napatingin kami kay Diane. Umusog ako para tabi kami. Umupo naman siya at walang sabi sabi kumain na.

" hinay hinay lang Diane mabilaukan ka dyan " Raven. Sinamaan lang siya ng tingin ni Diane.

" May problema ka noh? " tanong naman ni Cheska. Parang alam ko na.

" wala noh. Kumain na nga kayo dyan. Don't mind me " sabi nito at kumain ulit. Nagkatinginan lang kaming tatlo.

" Si Nathan yan noh? "

* cough cough *

" dahan dahan lang kasi " inabot ko sa kanya yung tubig at uminom.

" Alam na 'to. LQ agad kayo? " pang-aasar ni Raven.

" Sinong LQ? " napatingin kami sa likod. Si Nathan. Tinignan ko si Diane ni hindi man lang lumingon. Jelly nga.

Umupo ito sa tabi ni Diane kaya napausog ako lalo. Ngumuso si Raven at napatingin lang si Nathan Kay Diane.

" LQ ba tayo? " tanong ni Nathan kay Diane. Tumingin lang sakanya ito at kumain ulit.

" LQ nga " sabay nung dalawa. Natatawa lang ako sa kanila.

May dumaan na grupo hindi ko npansin ang mga officers pala yun. Napatingin ako sa kanya ni hindi man lang siya lumingon. Siguro nga wala na talaga.

Ayoko ng isipin pa dahil masasaktan lang ako. Nagulat na lang ako ng biglang may kamay ang lumapag sa lamesa.

" oh Darryl saan ka galing? Ikaw na lang kulang dito kawawa naman asawa mo walang partner " sinamaan ko ng tingin si Raven napapeace sign na lang siya.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon