Chapter 31

3.3K 100 8
                                    

" anong ginagawa natin dito? Akala ko ba uuwi na tayo? " tumingin ako sa labas na pinaghintuan ng sasakyan niya. Siya yung atat na umuwi tapos ngayon dito siya pumunta. Ano ba talaga gusto niya?

" sabi mo uuwi na tayo? "

" I didn't say such thing " urgh!Ang gulo niya.

" ewan ko sayo ang weird weird mo " lumabas ako ng kotse niya. Naglakad ako unti papunta sa lake. Ang ganda pa rin pala dito. Matagal na din ako hindi nakakapunta dito bukod sa treehouse.

Madami rin akong alaala sa lugar na 'to. Naglakad lakad ulit ako ni hindi ko na nga pinansin si Darryl. Napadpad ako sa isang puno. Alam na alam ko ang puno na 'to. Hinanap ko ang nakaukit dito, halos hindi na rin makita dahil matagal nang nakaukit yun.

Hindi ko alam pero napangiti ako bigla ng makita yun.

A ♡ D

" what's that? " napatalon ako sa gulat. Tinakpan ko bigla yung nakaukit. Alam ko wala na yun pero hindi niya dapat makita yun.

" wa-wala "

" kung wala then why are you hiding it? " nakangisi na naman siya. Yung kaweirduhan niya hindi mo na mareach sa sobrang taas.

" wala naman akong tinatago. " napayuko ako. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang heartbeat ko. Oh no! Not again. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan. Althea,ano bang nangyayari sayo?

Napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa akin. Why do I have this feeling na may maling mangyayari? Hindi kaya...no..it can't be.. no..

Bago pa siya makalapit umalis na ako sa pwesto ko pero hinawakan niya ang kamay ko at hinarap sa kanya. " stop running away, Althea "

" I'm not running away "

" yes you do, lagi mo na lang akong tinatakbuhan na para bang may malala akong sakit kapag nilapitan kita " ganun ba ang iniisip niya?

" I'm not running away, it just that..." ano ba 'tong sinasabi ko. Bakit nanghihina ako sa bawat salita na pinapakawalan ko.

"...i don't want to feel it again, like the old times " mahina kong sabi na ayokong marinig niya. I'm not that dense para hindi ko mapansin ang mga actions ko this past few days.

" I just want to know how's your heart and mind? "

Ito ba ang tinutukoy ni Sky? ang heart at mind ko?

Naguguluhan ako pero ngayon, unti-unti ng nagiging malinaw ang lahat. Na experience ko na 'to then I should have known it already. I don't want to risk it again, not this time. I've done that and I don't want to repeat the same mistake..again, pero salungat ito sa nangyayari ngayon.

" if you're not running away, look at me " he lifted my chin and met his gaze. Parang may kung ano sa tyan ko ang gumagalaw. I was controlling myself not to meet his gaze but my eyes betrayed me. Para bang nilagyan ng mighty bond yun para hindi maalis.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon