Chapter 33

3.4K 83 5
                                    

Bakit pa kasi yun ang nasabi ko, nakakainis ayaw akong tigilan sa pang-aasar ni Sky at Raven. Kainis talaga! at ang isang yun iniwan lang ako.

" ano ba naman yan Sky! wag ka ngang mambitin potek, ayoko sa lahat yung nambibitin eh " kumunot ang noo ko. Tumingin yung dalawa sa akin inirapan ko na lang sila. Nandito silang lahat sa bahay dahil gusto daw nilang magmovie marathon kami. Tapos na ang school festival, tapos na rin ang exam so it only means one thing sembreak na namin. Kahit papaano nakaraos din kami sa statistics. I hate math..

" sana kasi sinunggaban mo na yan tuloy wala kang nakuha, tanga lang po raven! " nagbatuhan na silang dalawa ng unan parang ewan lang. 

" Oh saan ka pupunta Althea? itutuloy niyo na ba? " binato ko yung unan sa paanan ko. Nagtawanan lang yun dalawa.  

" Kainis! " Yun na lang ang sinabi ko at agad lumabas ng kwarto. Ghad! halos isang linggo na simula mangyari yung...yung muntikang halik na yun at halos araw-araw kaming asarin ng dalawang yun. 

* FLASHBACK * 

" enjoying yourselves, huh? " 

" What the fvck! " sigaw ni Darryl habang pinapagpag ang pants niya. Humalakhak naman ang dalawang 'to. Napakunot noo ako. Ano bang ginagawa nila dito?

" hahaha, kaya ka ba nawala? bro hindi mo naman sinabi na... " tumingin sa akin si raven ng nakakaloko sabay balik ng tingin niya kay Darryl " ...may gagawin kayo ng misis mo " napahalakhak na siya. Halos maubos na ang dugo ko sa hiya. Sa dami ng pwedeng makita nila bakit ganun pa.

" shut up Raven "

" dude, wag ka namang ganyan may namumutla na dito baka mamaya biglang mawalan ng malay 'to " sabay akbay sa akin ni Sky. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangisi lang siya.

" ti-tigilan niyo nga ako. " tinulak ko si Sky pero tumawa lang siya ng tumawa.

" hindi pa ba kayo aalis? " mas lalong tumawa si Raven. Nakawala ata sa mental 'to. Asan na ba si chesca ng masundo na ang boyfriend niya dito.

" nagmamadali ka bro? ah oo nga pala nabitin "

" wanna die, Raven? "

" whoa! Highblood ka masyado, chillax magkakaroon pa rin naman kami ng pamangkin "

" fuck you " umalis na lang bigla si darryl at naiwan kami dito. Yung dalawa tawa parin ng tawatumigil sila nung sinamaan ko sila ng tingin.

Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon