Pagpasok ko sa room ay agad kong nakita si Cheska. I know hindi naging maganda yung nangyari kanina. Hindi rin naman namin inexpect na mangyayari iyon." Che, I'm sorry " sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Nag-aalinlangan pa kong lumapit dahil alam kong hindi pa din humuhupa ang galit niya. Kilala ko siya, siya yung tipo ng tao na kapag hindi niya nagugustuhan ang nangyayari ay magsasalita siya at dadaretsuhin ang taong involve. I know how much she protect our friendship that's why I understand her awhile ago.
" You don't have to say sorry to me. You're not the one who did something wrong "
" Pero..yung nangyari sa cafeteria kanina. "
" It's not your fault, Althea. Silang dalawa ang dapat sisihin " napailing ako. I know how much she hates Janine, ngayon pati si Darryl.
" Let's just trust Darryl, Cheska. Kung ano man ang sinasabi ni Janine maaaring sinasabi niya lang yun para magkasiraan kami ni Darryl. So please, trust Darryl " napatingin siya sakin. Hindi ko makita sa mukha niya ang galit pero hindi ko rin makita sa kanya ang lungkot. Blanko ang pinapakita niya sa akin ngayon.
" That's it. I can't trust Darryl anymore. Alam ko kanina lang maayos pa ang lahat but after that napag-isip isip ko na madami pa din tinatago si Darryl. Right now, I can't figure out If I should trust him. I'm sorry Althea " napabuntong hininga ako. Alam kong hindi ko na siya mapipilit.
" Ok, I understand you but...can you do me a favor? " nagtataka siyang tumingin sakin.
" What is it? "
" Can you..atleast trust me?.. " nagulat naman siya base sa expression ng mukha niya. ".. If you can't trust Darryl anymore atleast trust me. I understand and appreciate what you've done for me..pero..sana hayaan mo kong ako ang umayos ng lahat. Hayaan mo sana na ayusin namin ito. Kaya sana kung hindi mo na kayang pagkatiwalaan si Darryl, kahit ako na lang Cheska. Please? " sobra sobra akong nagpapasalamat sa kanya for helping me everytime at alam ko na ginagawa niya lang ito para tulungan pa din ako but the thing right now is between me and Darryl. Ayoko lang na talaga na dahil dito ay baka tuluyan silang magkasiraan ni Darryl. Naiintindihan ko ang lahat sa side ni Cheska ang sa akin lang sana hayaan niya na ayusin namin ni Darryl kung ano man ang dapat maayos lalo na kay Janine.
" Althea.. "
" She's right, Che. " pareho kaming napatingin kay Diane. " Mas mabuti kung hayaan na lang natin ang mag-asawa na ayusin kung ano ang dapat nilang ayusin. After all at the end of the day mag-asawa sila at sila lang ang makakaresolba ng problemang kinakaharap nila." nakangiti siyang nakatingin sakin.
" Ikaw naman Althea, you don't have to stop trusting him. Alam ko naman na hindi ka basta basta maniniwala sa kung anong sinabi ng magaling kong pinsan kasi malaki ang tiwala mo kay Darryl. Hindi mo man sabihin sa amin we can feel it. Wag niyong hayaan na masira kayo dahil lang sa kung anong sinasabi ng ibang tao ang importante ay kung ano kayo, kung anong meron kayo at kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa. Basta wag mong kakalimutan na nandito lang kami palagi para sayo. " ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Diane. Ramdam ko na din ang pangingilid ng luha sa aking nga mata. Tumingin ako kay Diane.
' Thank you ' I mouthed.
" Fine. I understand. Sorry kung masyado akong nakialam. " humarap ako kay Cheska.
" Hindi ka naman nangialam. Thankful pa ko dahil nandyan ka..kayo ni Diane parati. I really appreciate everything you've done for me. Thank you "
Bigla nila akong niyakap. Napangiti ako sa ginawa nila. Sobra talaga akong nagpapasalamat at lagi silang nandyan para sa akin.
After that dumating ang teacher namin.
The day went well. Hindi pa din nagkikibuan sila Cheska at Darryl pero alam kong naintindihan na ni Cheska iyon.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
Teen FictionAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!