I'm sure about this. Hindi ako pwedeng magkamali. Ilang beses na ba ako nakaranas ng ganito at hindi na bago sa akin 'to. Hindi ko namalayan na unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Should I tell him about this?
" you'll fall for me, bigtime "
Eto na ba yung sinasabi niya? Pero bakit ang bilis. Isang linggo palang ng makaalis si Ian. Is this a trap?
Napailing na lang ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung hahayaan ko ang nararamdaman kong lumalim for him. I don't want to risk again.
" kanina ka pa iling ng iling dyan, may problema ba? " tumabi siya sa akin at kinuha ang potato chips na nasa harap ko.
" wala 'to Diane " tinapik niya ang braso ko. Alam ko, pero dapat ko na bang sabihin sa kanya?
" kilala kita Althea. " nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain ng chips. Oo kilala mo ko Diane, buti ka pa. Kasi ako hindi ko na kilala ang sarili ko.
" do you feel something strange? " bigla ko na lang natanong.
" strange? Wala naman. Bakit? "
" a-about Darryl? " naiwan sa ere ang kamay niya na may hawak na chips.
" I mean this past few days? "
" bukod sa halos araw araw kayong inaasar ni Sky at Raven for I don't know what reason wala naman. Bakit? " aniya.
Buti na lang wala. Ano ba 'tong naiisip ko. " OMYGHAD! " napatingin ako agad sa kanya. " do-don't tell me Althea..." halos alugin na niya ako.
" Ui Diane ano ba?! " napaupo siya ng maayos at hinarap ako sa kanya.
" ... sinuko mo na ba Althea? Grabe ba--- " hindi ko na siya pinatapos. Gets ko na ang sasabihin niya.
" shut up Diane! Ano bang iniisip mo dyan "
" I was just saying.. puro ka kasi strange something. Ano bang meron kay Darryl ha? " biglang sumeryoso ang mukha niya. Alam kong may napapansin siya. Bakit ayaw pa niyang sabihin?
" Diane... "
" Hmmm? "
Huminga ako ng malalim bago sabihin sa kanya na " I think I like him "
Tinignan ko ang reaction niya pero parang walang nagbago seryoso lang siya at unti-unting ngumiti. Niyakap niya ako bigla. " finally, you admit it. " humiwalag siya ng yakap at hinawakan naman ang kamay ko.
" Naghihintay lang ako na umamin ka Althea kasi I know hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo sa kanya. You're always like that. Hindi ka padalos dalos sa desisyon mo at alam kong sigurado kana sa desisyon mo kung sasabihin mo na mismo yun. "
Sabi ko na nga ba. May alam na siya.
" You like him and sooner or later I know you'll fall for him. I think that's better. You deserve each other, kahit noon pa Althea. Maybe this time he also have this kind of feelings for you. Impossibleng wala siyang gusto sayo "
Alam ko. Sinabi niya na sa akin na gusto niya ako. Pero kaya ko bang paniwalaan yun? Kilala ko si Darryl maloko yun pwedeng baliwala lang ang mga sinabi niya noon na may gusto din siya sa akin.
" you know what, hindi sa pagiging bias. I like Ian for you, he's perfect pero hindi naman siya ang asawa mo. Si Darryl, he deserve you. You know each other for a very long time. Minsan naiisip ko tama lang na pinagkasundo kayo ng mga magulang niyo. "
Hindi ko alam. Naguguluhan pa din ako pero isa lang ang alam ko I like him. He never failed to make my heart beat so fast whenever he's around.
Naramdaman ko na lang ang tapik niya sa balikat ko. " I'm happy for you "
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
Teen FictionAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!