Nagising ako ng may maramdaman akong umaalog sa akin. I really need to sleep. Sinubukan ko ulit humiga pero may pumigil sa akin at inupo ako.
" come on sleeping beauty wake up! " boses pa lang alam ko na kung sino.
" Diane, just leave me alone, I want to sleep " naramdaman kong may isa pang tao ang umupo sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
" Sleeping beauty, you need to wake up or else we'll do something to make you out of your bed " sa tono ng boses niya halatang tinatakot niya ako. Ghad Cheska! even you.
Binuksan ko ang mata ko to see them here inside my room. " Anong ginagawa niyo dito? maaga pa para mambulabog "
Tinawanan lang nila ako dahilan para mapadilat ako ng mata ko. Why are they laughing?
" sleeping beauty we want to remind you it's already 11:30 am. Ano ang maaga dun aber? " Ang aga pa kaya 1--- " What? 11:30? "
" uh-huh, so you better wash up now, para sabay sabay na tayo maglunch "
" hintayin ka namin " wala na akong nagawa, bumangon na ako at dumaretso sa c.r para maligo.
***
" nandyan na ang mahal na prinsesa " pababa pa lang ako ng marinig ko na ang boses ni Diane. So lahat sila nandito?
" let's eat " aya sa kanila ni Sky. Kelan pa siya tumira dito at kung umasta akala mo bahay niya 'to? Sumunod na lang ako sa kanila ng mapansin kong may kulang pang isa sa amin.
" Ginising niyo na ba ang mahal na prinsipe?" tanong ni Cheska kay Nathan.
" gising na siya ng akyatin namin sa kwarto niya, he will be here any minute " Napansin kong sila ang naghahanda ng pagkain.
" Na saan si Manang? "
" Nasa likod siya " tipid na sambit ni Sky.
" what are you all doing here? " napatingin sila sa likod ko. Napatingin din ako at nakitang nakatingin siya sa akin agad kong binaling ang tingin ko sa harap. Naaalala ko na naman ang nangyari.
* FLASHBACK *
I wake up for the reason I couldn't sleep. Hindi ko na rin alam kung anong oras ako nakatulog dahil sa pag-iyak ko kanina. I don't want to remind myself sa nangyari, mas nasasaktan lang ako kapag naiisip ko yun.
Napatingin ako sa orasan to see na 4:20am pa lang. Bumaba ako para kumuha ng tubig. Habang umiinom ako may narinig akong bumusina mula sa labas kaya napasilip ako sa bintana.
Kahit madilim pa sa labas nalaman ko agad kung kaninong sasakyan yun. Parang kinirot ang puso ko sa naisip ko.
He...he just got home. Agad akong bumalik sa kwarto ko. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto sa kabilang kwarto at tuluyan ng bumuhos ang luha ko.
I feel like cheated.
* END OF FLASHBACK *
" Good Morning " tumabi siya sa akin, hindi ko magawang ibalik ang good morning niya. Now I found the reason kung bakit tanghali na ako nagising.
" You know what may napansin lang ako, bakit pareho kayong late na nagising. Puyat kayong dalawa noh? " mausisang tanong ni Diane. Nakita ko ang pagpalit ng tingin ni Nathan, Sky at Raven at malakas ang pakiramdam kong may something na nagaganap sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
Teen FictionAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!