Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ko sa mukha ko. Tinakpan ko yun ng unan pero ramdam ko pa rin. " Ugh! "
Sino bang naghawi ng kurtina? Napaupo ako at tinignan ang orasan 8am palang. Inaantok pa talaga ako kaya bumalik ako sa kama para humiga kaya lang nagulat ako sa biglang malakas na pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
" Altheaaaa! Ghad! Wake up!!! " niyugyog ako ni Diane. Paano ba siya nakapasok? ang aga aga sumisigaw siya.
" Diane I'm awake so stop it. " tumigil naman siya at umayos ng upo. Umupo na rin ako at tinignan siya sa mga mata kong antok pa. " ano bang ginagawa mo dito at sumugod ka pa talaga ng gantong kaaga? "
" kasi naman friend bigla kang nawala kagabi hindi mo tuloy nakita yun scene na nangyari." nako naman chismis na naman ang pinunta niya dito. Babalik na sana ulit ako sa pagkakahiga ng hinawakan niya ako para mapaupo ulit.
" Diane kung chismis lang yan please mamaya na lang. Gusto ko pang matulog " Aambang pa sana akong hihiga ng pigilan niya ko.
" hindi lang 'to basta basta chismis tungkol 'to sa ex mo! " halos sigawan na niya ako. Napaayos na ako ng upo at handa ng makinig sa kanya. " what about Ian? " bigla kong naalala na siya ang sumundo sa akin dito and he was supposed to be my date pero iniwan ko siya! oo nga iniwan ko siya dahil nagpatianod ako sa panghahatak ni Darryl. Ano ng nangyari sa kanya?
" nagfarewell speech siya kagabi. Ngayon na daw kasi ang alis niya "
" WHAT?! "
*****
Halos lumipad na yung sasakyan ni Nathan sa sobrang bilis niyang magpatakbo.
" Kung minamalas ka nga naman " hinampas niya ang manibela. Napasabay kami sa traffic dito sa highway. Ghad! Maabutan ko pa kaya siya?
" he announced it last night, ang daming umiyak dahil sa pag-alis niya. Ang sabi lang niya may offer yung school na pinasahan niya ng requirements a year ago. And you were both together that time, do you know that? or reason lang niya yun to get away from you? "
I know about the requirements, I know about the school pero sabi niya hindi siya pumasa doon. Ibig pang sabihin nagsinungaling siya sa akin noon na hindi siya pumasa?
" Go look for him, susunod kami " niyakap ko si diane ng makarating kami sa airport. Tumango lang ako kay Nathan at lumabas na ng sasakyan. Sana maabutan ko siya. 8:25 na.. 5 minutes bago umalis ang flight niya.
Tumakbo ako papasok hinarang pa ako ng guard dahil hindi ako nagpasecurity check " sorry sir " tumakbo na talaga ako papasok hindi ko na nga alintana yung mga taong nababangga ko.
Napahinto ako para kumuha ng hangin. Tinignan ko ang orasan ko Geez! 8:30 na! Tinignan ko sa screen kung nakaalis na yung flight papuntang US. Nakakainis! Late ako ng dating. Gusto kong maiyak pero walang lumalabas sa mga mata ko.
" Ian " nasambit ko habang nakatingin sa mga eroplano.
" This is the final boarding call for passenger Ian Farro booked on flight 372A to New York. Please proceed to gate 3 immediately. The doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Ian Farro.Thank you. "
Halos mapalinga linga ako ng marinig ko yung announcement. Hindi pa siya nakakaalis? Nandito pa siya! Nahagip ng mata ko ang lalaking biglang tumayo at napatingin sa harap niya na parang may hinihintay. Hindi ako pwedeng magkamali si Ian yun.
" IAN!! " sigaw ko dahilan para mapatingin ang mga tao sa akin. Lumingon siya sa akin na gulat na gulat ngumiti siya pagtapos pero kita ko sa mga mata niya ang lungkot habang nilalapitan ko siya.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Annoying Guy [COMPLETED]
Dla nastolatkówAll Right Reserved - January 2014 ♥ (Unedited Version) This is a stand alone story. But this is also connected with my newly released series entitled "Xtreme Cut Series". First installment title "A kiss of goodbye" Thank you!