Chapter 1

12.6K 163 3
                                    

----------

First day ko sa Highschool at para akong hihimatayin sa kaba at excitement. Ito yung pakiramdam na parang 100 ka sa exam kahit na hindi ka nagreview. Or nakasagot ka sa recitation kahit na tyamba lang ang sinagot mo. O kaya yung ihing-ihi ka na, kanina mo pa pinipigilan tapos nakaabot ka sa inidoro bago ka pa naihi sa shorts mo. Ganon! Yun ang eksaktong nararamdaman ko habang nakatitig ako sa alarm clock ko at inaantay itong tumunog. Hindi ako mapakali. Parang gusto ko ng unahan tong alarm clock at magumpisa nang magprepare para makapasok agad ako sa 'bagong' school kasi HIGHSCHOOL NA KO!! YAHOO!!

--

Buti nalang hindi ako nagiisang mahirap sa klase namin nung elementary kasi madami akong kasama ngayong magaral sa nagiisang public highschool dito sa lugar namin. Yung iba kasi naming classmates, matapos magaral ng anim na taon sa pangpumblikong elemenetarya, ninais nang magaral sa mamahalin na pribadong skwelahan. Di ako bitter. haha.

Kasama ko pa din ang isa sa mga bestfriends ko nung elementary na si Dolly, at katulad ko, super excited din siyang magdalaga.

"Magboboyfriend ka na ba ngayong Highschool Lyda?"

"Hoy grabe ka wala pa sa isip ko yan!" grabe makapag isip si Dolly, boyfriend agad?

"Haha. Crush lang muna tayo no?" natatawa-tawa niyang sinabi.

"Oo crush lang muna. Tsaka baka wala din namang manligaw sakin dito. Tignan mo ang daming magaganda." sabay turo ko sa iba pang mga dumadaan na studyante.

"Hoo. Gusto mo lang sabihin kong maganda ka no?"

"Kainis ka! Tara na nga." binilisan ko ng maglakad papunta sa classroom namin. Alam ko na kung saan kasi nung enrollment hinanap na namin ni Dolly yung magiging room namin para di kami mukhang 1st year na aanga-aanga sa paghahanap ng room. haha.

Magulo pa sa room, lalo na mga lalake at bading. Ang iingay at halata mong nagyayabangan. Nakakapanibago kasi wala na yung mga kaklase namin dati na makukulit pero mababait at namimigay ng baon. Uso pa kaya baon dito? May baon kasi ako. >.

"Introduce yourselves, tell something about your previous school and what do you expect in Highschool." lahat ng teachers namin buong araw puro ganyan ang sinabi. At sa pitong subject sa araw na yun, may mga makakabisado ka na ding pangalan.

"Hi I am Lyda Jen Dominguez.. blah blah blah." Hindi ko alam kung naalala ng mga kaklase ko ang pangalan ko pero siya, kahit pa 50 kami dito sa classroom, di ko makakalimutan ang pangalan niya.

"Hello my name is Allen Bernard Fernando.." simula nung 1st subject namin, siya na ang inaabangan ko palaging magintroduce. Ayyyyiiiieeeee.

--

Super crush ko na siya at super secret din ang pagkacrush ko sakanya. Kahit kay Dolly di ko masabi. Nekekeheye keseng sebehen eeh. haha.

Tatlong row na tag aapat na upuan per line ang pwesto namin sa room. Hindi naman kami inarrange ng alphabetical kaya buong araw yun na ang upuan namin. Kaline ko si Allen, pero nasa kabilang row siya. Ang mga katabi niya mga lalake din. Second to the last line kami kaya hindi masyadon napapansin ng mga nagtuturo sa harap kapag sumusulyap ako sakanya. Grabe, nakakakilig siyang tignan nang patago. Feeling ko spy ako na dapat manmanan ang mga kilos niya.

Pasimple lang akong tumingin sakanya. Kaya nga parang wala namang nakakahalata na may crush ako kay Allen. Kasi sa room ang daming nagkakacrush sakanya at bulgaran talaga kung magsabi kay Allen. Tulad nalang nung sabihin ng classmate kong bading na crush ni Maureen si Allen, ngumiti lang ito. akinakabahn ako nun kasi baka kaya siya ngumiti eh gusto din niya si Maureen, inaantay ko na sa mga susunod na araw mangliligaw ito o poporma kay Maureen katulad ng mga ginagawa nung ibang boys sa room namin na pag nalaman nilang may crush yung babae, pinopormahan agad. Pero hindi dumating ang araw na inaantay ni Maureen. Haha.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon