After almost a month, aalis na kami at pupuntang Boracay! Yehey!
Dapat last week pa kami aalis, pero sa di malamang kadahilanan, namove ito at sa susunod na araw na yun! Kaya nagyaya si Dolly at Mia na mamili nang pang outfit namin. Meron naman akong mga damit na dala from US pero dahil mapilit sila, mamimili na din ako.
11 kaming lahat na pupuntang Bora, ako, si Mia, Macky, Dolly, Ray, Topher, Jana, Kuya Donald, girlfriend ni kuya Donald na si Timmy, Allen at.. haaay.. Lyka. Hindi makakasama si Lulu kasi uuwi galing probinsya yung family nung asawa niya at sakanila daw mag stay. Nakakapag taka nga eh. Kasi nung nagplano nang Bora, halos makipag patayan siya kay Macky sa sobrang excitement na makasama. Nakasched naman ang pag-uwi nung family nang husband niya kaya inayos talaga nila na hindi yun matatamaan. Pero dahil namove na nga, hindi na siya nakasama talaga. Umiiyak siyang tumawag sakin para sabihing hindi na niya napamove yung pagpunta nang mga byanan niya. At pumayag lang siya sa bagong sched nang ganon kadali. Ok lang daw. Pero grabe ang iyak. Weird.
2weeks ago nameet ko naman si Timmy. Classmates daw sila ni kuya Donald nung college. Mabait din siya. Maputi siya at medyo chubby, pero ok lang kasi payatot si kuya Donald. Bagay sila.
All girls daw kami ngayong magshoshopping, kasama namin si Jana. Si Timmy susunod nalang kasi may pasok pa. Sa Trinoma kami ulit. Haha.
Dito na kami sa mall mismo nagkita-kita, nagikot-ikot muna kami sa Landmark bago napag desisyunang tumawid kami sa SM North kasi wala silang mapili. Dun na din namin imimeet si Timmy.
Dalawang shorts, isang pair nang two-piece at isang loose shirt na may nakasulat na Imbyerna yung nabili ko. Meron pa naman kasi akong ibang pang beach na nasa mga bagahe ko pa.
Nung dumating si Timmy tsaka lang kami kumain.
Dahil sobrang namiss ko nga ang Pinoy Foods, sa Lamesa Grill kami kumain.
"Bakit parang kulang kayo?" nag aantay na kami nang orders nung nag tanong si Timmy.
"May pasok si Macky. At kanina pa niya ko pinagbabantaan sa text. Bakit ngayon pa daw tayo umalis kung kailan may pasok siya." we all laughed sa sinabi ni Mia.
"No no. What I mean is.. Lyka. Diba you guys are sort of a.. barkada?" nagkatinginan kami at parang walang gustong sumagot sa follow up question ni Timmy.
"Err.. Did I hit something? Haha. Sorry I am not prying. Alam ko lang magbabarkada kayo." she said apologetically.
"No it's okay. Barkada namin si Allen.. but not her." parang natatawa pa si Dolly sa pagkakasabi niya non.
"Oohh. I see. Oh well. Once or twice ko palang naman siya nakasama so I can't say that we're close."
"Di din ba kayo ok?" di ko mapigilang di tanungin si Jana. Hindi din kasi siya sumagot sa tanong ni Timmy kanina. Yung dalawa, si Dolly at Mia alam kong sagad sa buto ang galit sa babaeng yon. I don't know if Jana have ideas of our highschool issues kaya parang galit din siya kay Lyka or may iba pa siyang reason.
"Yes. I don't... like her that much. I know what she did with you and Allen before. And I know what she did with Topher. Aside from those issues, medyo hindi din siya ok as a person. Actually she never talked to me. Lagi lang siya nakadikit kay Allen na parang anytime aalis ito at iiwan siya. Ewan. I don't like her being so.. clingy. It's awkward for me to see her like that actually." di ko mapigilan, natawa talaga ako sa speech ni Jana. Si Timmy naman nakakunot ang noo na parang iniisip pa lalo yung mga sinabi ni Jana.
"Oh wait! Do you mean inagaw lang ni Lyka si Allen from Lyda?!" Timmy bursted out after she realized something.
"Loooooong story. Let's not ruin our day girls! Promise, pag inalam mo pa ang buong story Timmy, masisira ang araw nating lahat. Anyway, I'm already fine now. Wala na talaga akong care sakanila. Sa totoo lang ah." medyo gulat pa din si Timmy kaya magkasalubong pa din ang kilay niya.
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomantizmNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...