Nakuha nanamin yung ticket para sa Star City, actually voucher yun at ipepresent nalang namin sa counter don. Dahil bakasyon naman, at libre pa, di naman ako nahirapan mag paalam kay mommy.
May maganda ding naisip si Topher, sasama na din sa Star City ang barkada, siya, Lyka, Dolly at Ray tapos sasakay kami sa sasakyan nila papunta don. Meron silang personal driver kaya ok na ok talaga. Libre na pamasahe libre pa entrance! Watta life. Yung entrance nga pala nung tatlo ay treat na din ni Topher, yung date kasi nang punta namin ay 2 days bago ang birthday niya. Parang advance celebration na din yun. Aalis daw kasi sila ng lola niya sa mismong birthday niya kaya hindi pwede sa araw na yun. Anyway, ok naman kami kahit anong araw kasi wala ng pasok.
Kahit pa sinabi ni Topher na sasama daw si Lyka, medyo di pa din ako naniwala. Alam ko kung gaano siya kagalit sakin at alam kong mahihirapan siyang makasama kami ni Allen sa isang lakaran. Yun din yung isang reason bakit nung mga huling linggo nang pasukan, pinipili ko na humiwalay kami ni Allen para na din hindi mahirapan si Lyka. Binabalitaan naman ako ni Dolly na pag wala kami, kahit papano nakakausap nila ng maayos si Lyka.
==
**from Allen ko
Excited na ko Lyda ko! Tabi tayo sa sasakyan bukas ah.
==
**from sakin
Oo na nga. Hala. ilang beses mo ng sinabi yan ah. ehe.
==
**from Allen ko
Pinapaalala ko lang para di mo talaga makalimutan. :)
miss you.
==
**from sakin
Di ko po makakalimutan. promise!
==
**from Allen ko
Basta Lyda ko ah, pupuntahan kita dyan ng 9am.
==
**from sakin
Ay. unli? ulit ulit?
haha. joke. :p
==
**from Allen ko
eeeeehhhhh... basta ah. :D
==
**from sakin
tulog na tayo. Kasi baka malate ka ng pag punta. :)
==
**from Allen ko
ok. night po Lyda ko. see you!
==
**from sakin
sige. night din po. see you din bukas.
==
**from Allen ko
ha? see you po sa panaginip ang tinutukoy ko. :))
==
**from sakin
Allen!!! tulog na tayo. pls! ^-^
para magkita na tayo sa panaginip. haha
==
**from Allen ko
Ayeee.. wait for me.
==
Di na ko sumagot. hahaba pa to lalo pag nireplyan ko. Kahit kating-kati ako magreply, tinago ko na ang cp ko sa ilalim ng unan ko. Kailangan makatulog ng mahaba para may lakas ako bukas.
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomantizmNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...