Nakakaantok ang klase. Kanina pa ko naghihikab. To na kasi yung boring part nang pagiging studyante, ang pakikinig sa non-sense, not related stories ng teachers mo sa lesson. Haaaaayyy.
Kapag ganitong panahon, ang daming bagay ang naglalaro sa isip ko. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari samin nung sabado.
--flashback--
"Excited? Siya lang naman ang lalakeng nakatira na ata sa isip at puso ko. Ang lalaking ipaglalaban ko kahit kanino, kahit sainyo pang dalawa (sabay smile samin at peace sign), mapasaakin lang siya! hmm. Ang maswerteng lalakeng minahal ng dyosang katulad ko ay si Mr. Allen Fernando."
--end of flashback--
Pag naiisip ko yung sinabi ni Lyka, di ko maexplain yung nararamdaman ko. Feeling ko kasi natalo na ko sa laban. Alam ko wala pa namang sinasabi si Allen na gusto niya si Lyka, pero ang labanan kasi dito, pag-ibig at pagkakaibigan. Kaya ko bang ipagpalit ang friendship dahil lang sa pagmamahal ko kay Allen? Wow love agad.
Kung tutuusin, di din naman ako sigurado na kung sakaling magkapilian, ako ang pipiliin niya. Hello. Ang ganda ni Lyka. Sa totoo lang, ang daming nagkakagusto sakanya sa school, nagtataka nga ko bakit di niya pinapansin. Sabi niya dati ayaw lang daw niya munang mainlove, baka daw maapektohan ang pag aaral niya. Yun pala magkakagusto din siya, dun pa sa taong gustong-gusto ko. Haay life. Complicated!
*poke* sa ilong.
"Ay kalabaw! Ano ba?!" napasigaw ako ng bongga. Epal naman kasi.
"Oh kalma lang Ms. panget! Ang serious mo kasi eeh." sabay smile. Tokwa tong taong to. Nakakawala sa tamang pag iisip pag tumingin eh, sinamahan pa ng killer smile.
"Hui ms. panget, bakit? Bakit ka natutulala?" kinakaway-kaway niya yung kamay niya sa mukha ko. Bwiset, nakakahiya.
"Sira. Nagiisip ako. Di ako natutulala." wala, napayuko nalang ako. Kainis talaga. Ayoko pa naman yung napapatulala ako sa harap niya. Parang tanga kasi.
"Nakatulala ka kaya. Anyway, anong plano mo sa irereport natin?"
"Ha?" pambihira, di ko alam kung anong sinasabi nito.
"Nyek! Di nakikinig. tsk tsk. Kanina nag groupings. Actually di naman groupings kasi pair by pair daw. Ayun. So anong plano mo satin?"
![](https://img.wattpad.com/cover/6514638-288-k449923.jpg)
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomansaNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...