Chapter 43

1K 27 0
                                        

"Hi Lyda!!!!!!" muntik na kong mahulog sa huling baitang nang hagdan namin sa sigaw nila.

"A-ate Alice? Ate Aldeen? Bakit po?"

"Ayaw mo bang pumunta kami dito?" biglang nagpout si ate Aldeen.

"Hindi naman! Kausap ko lang kasi kanina si ate Alice. Nakakagulat lang." sagot ko naman.

"Yayayain ka kasi sana namin lumabas. Nagpaalam na kami kay tita, ok naman daw. Diba tita?" biglang tingin si ate Alice kay mommy.

"Oo. Wala naman kaming lakad, bukas pa." sagot naman ni mommy. Naningkit ang mata ko kay Lulu na ngingisi ngisi sa likod ni ate Aldeen. Kainis. Akala ko si Lennon. Tsk.

"Bye tita!" sabay nilang sigaw nung nasa gate na kami. Tumango naman si mommy at kumaway nang nakangiti. Saan naman kaya ang punta namin?

"Ready ka na Lyda?" tanong ni ate Alice nung naglalakad na kami papuntang kanto.

"San po ba?"

"Secret! May pamasko kami sayo." sagot naman ni ate Aldeen.

Sumakay kaming fx na papunta sa isang mall. Si ate Alice, text nang text, si ate Aldeen naman chika nang chika sakin. Medyo wala ako sa mood pero pinipilit kong magsmile. Friends ko na din sila kahit papano.

Huminto kami sa isang resto at nagulat ako nung matanawan ko si Allen na nakaupo sa isang table na nagtetext. Siya ba ang katext ni ate Alice?

Napatingin ako sakanila bigla, mga nakangisi naman at biglang nag peace sign.

"Alam namin na LQ kayo ni Allen. Hindi namin alam kung bakit pero gusto namin magkaayos kayo." sabi ni ate Alice.

"At ayoko nang makita ang pagmumukha nung Lyka na yun sa bahay--" siniko bigla ni ate Alice si Ate Aldeen kaya napahinto siya sa sinasabi niya. Nagtaka naman ako.

"Allen! Surprise! Ito na ang gift namin ni Aldeen!" napaangat nang tingin si Allen samin nung marinig si ate Alice. Nagulat siya nung makita niya ko. Nagsmile naman ako kahit papano.

Tinignan niya yung dalawang ate niya na parang naiinis siya na hindi mo mawari. Ok. So ayaw niya ko dito?

"Ate--"

"Allen alam namin na LQ kayo. Ito na nga, kami na gumawa nang paraan. Magusap kayo ha! Bye." sabi ni ate Aldeen sabay hila kay ate Alice palabas nang resto.

Umupo na ko. Ok, chance ko na tong makipag hiwalay.

Bumuntong hininga pa siya bago umupo. Nakakatakot ang mukha ni Allen. May kakaiba sakanya. Yung aura? Yung facial expression? Yung tingin niya? Bakit ganito?

"Ahh.. Allen.--"

"What?" nagulat ako sa sagot niya. Bakit galit siya?

"Gusto ko sana makipag usap."

"Ikaw ba nakipag usap kela ate para maset-up to?" Ha? Adik ba siya? Anong ako?

"Hindi. Pinuntahan lang nila ako sa bahay kanina--"

"Ok. Ok. So ano? May sasabihin ka diba?" Naiinis na ko ah. Anong inaarte nang lalakeng to. Nakakainis. Chill Lyda. Chill.

"Tungkol sating dalawa.. gusto ko lang sana--"

"Finally pag-uusapan na natin ang tungkol satin. So ano? Narealize mo na ba?"

"Ha? A-anong..?"

"Psh. Sige na ano nang sasabihin mo? Ituloy mo na para makauwi na tayo."

Hinampas ko ang table kaya nagsitunugan ang mga plato at kobyertos na nandito. Nagulat din si Allen at tumingin sakin nang nagtataka pero halatang gulat.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon