"Wag ka na simangot Lyda ko. 1st day na 1st day palang bad mood ka na." bulong sakin ni Allen nung naglalakad kami palabas ng school, uwian na kasi at ihahatid daw ako ni Allen sa bahay.
"Di naman ako nakasimangot." >.<
"hahaha! Ang cute mo talaga pag naiinis. Pero mas cute ka pag nakasmile. oooyyy. Smile na yan. Ayeeee" natawa ako kay Allen sa pag sabi niya ng ayeeeee. hahaha. Parang di bagay sakanya.
"Allen talaga! haha. Natatawa ako sayo!"
"Yan mas gusto ko yan! Ganyan nalang ah." ayan nanaman po ang smile na pang colgate commercial. Nakakainlove!!
"Ayoko kasing katabi si Lennon." tama po ang nabasa niyo, katabi ko si Lennon. -_-'
Diba sabi ng adviser namin, alternate daw ang upuan ng girls and boys tapos alphabetical ulit. Dahil naglinis kami sa labas at boys ang nag-ayos ng upuan sa room, di namin nakita ang magiging set up ng upuan. At nagulat kami nung papilahin kami ni Ms class president alphabetically at sumilip kami sa loob, oohh lala, Limang rows yun tapos tag dalawa lang ang upuan! Tag dalawa!! Nung una medyo hoping pa ko na sana si Allen ang makatabi ko pero wala, nung nagtapat tapat kami, si Lennon ang katabi ko at ang pinaka masaklap sa lahat, si Lyka ang katabi ni Allen... nanaman!
"ahh." sagot ni Allen. Medyo sumama din ang timpla ng mukha niya. Bakit? Friend niya yun diba? Pero sa totoo lang di lang din naman yun ang kinasasama ng mood ko, ok lang kahit sinong makatabi ko, pero ang malamang magkatabi nanaman sila ni Lyka, ang saklap nun ah!!
"haaay. Ok."
--------------------------------------------------------------------------
Kahit pa ang text sakin ni Allen kagabi ay susunduin niya ko sa bahay, di parin to sapat na dahilan para sumaya ako at maexcite pumasok. Maisip ko palang na magkatabi sila ni Lyka tapos nag banta pa si Lyka, hoooo!! Lalo akong kinakabahan!!
"Nakasimangot pa din si Lyda ko?"
"Di ah." tapos nag smile ako ng pilit.
"Ang cute mo pa din!" sabay kurot sa pisngi ko.
"aray!!!" tapos hinampas hampas ko yung braso niya.
"Nananakit ka na eh. hahaha" tapos tawanan na kaming dalawa habang naglalakad.
"Wow! Ang sweet!! Hi Allen!!!" ang epals ng section 1.
"Hello! Papasok na din kayo? Sabay na kayo samin?" yaya ni Allen sakanila.
"ha? wow ang thoughtful mo naman Allen! Kaya talagang di malayong mainlove ang mga babae sayo eh." kerengkeng naman magsalita nito ni Sheena.
"Di naman. Ano sabay na kayo?"
"Ok lang Allen. Salamat sa pag yaya. Ayaw kasi naming may kasamang asungot sa paglalakad. Ok lang sana kung nag iisa ka." sabay ngiti naman tong Sheryl na to. Epals talaga.
"haha. sige sige." at nung makaalis na mga peste sa buhay ko..
"Nakakatawa sila, ayaw daw nila ko kasabay. ehe. Mga loko talaga yun."
Ay jusmiyo! Sarap batukan nito ni Allen, so akala niya siya yung asungot na tinutukoy nung mga epals? hahaha!!
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
Roman d'amourNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...