Mabilis ang panahon, imagine ngayon na ang play namin!! Yes! Mamayang gabi na ang moment of truth. Hindi na normal ang classes kasi celebration din naman nang Teachers' day kaya magulo. May program pa kasi ngayong umaga, pero kumbaga highlight nang celebration ang play mamayang gabi.
Excited ang lahat, feel na feel na yun sa buong school. 2 weeks ago pa kasi nagpakalat na nang posters nang Play sa school kaya madaming nacucurious. Tapos nag room to room invitation pa kami last week para makabenta nang ticket. Yung tickets kasi required lang sa iilang klase, kunyari pina project lang nang teacher nila, kaya may iba pa din na may choice na hindi manood.
Sold out ang tickets. 50 pesos lang naman ito pero napakalaking bagay na para matustusan yung props at dinner namin mamaya after nang Play. weee! Super excited na ko. Feeling artista pa nga ko kasi kami ni Lennon at Ryan ang may pinakamalaking picture sa posters na nakapaskil sa buong school. Kahiya. haha.
"Uuwi ka pa ba?" tanong ni Allen nung pagpasok namin nang school.
"Di na. Dala ko na lahat nang kailangan ko." yes. Kami pa din. Lahat na nang panglalamig pinakita ko sakanya pero wa epek. Madaming beses ko din siyang itry na kausapin pero talagang iniiba niya ang usapan o bigla siyang nagpapaaalam na aalis. Pambihira.
"Ah ok. Paano yung mga gagamitin mo sa Play? Di pa ba natin ilalagay sa room ni Ms Castro?" bitbit niya kasi yung dalawang paper bags na puro damit para mamaya.
"Kahit mamaya na. Maaga pa naman. Tatapusin ko lang yung assigment sa History. Ipapasa daw yun today." tumango siya at ibinaba na ang bitbit niyang gamit ko sa ilalim nang upuan ko.
Onti lang tao sa room. Dahil section 1, isa kami sa mga naatasan na mag asikaso sa event sa buong araw. Pero dahil kasali ako sa Play, exempted! haha.
"Labas na ko ah. Bye." nilayo ko ang mukha ko nung susubukan nanaman niya kong halikan sa pisngi.
"Allen.."
"Alam ko. Sinubukan ko lang. Bye." pinisil nalang niya ang pisngi ko. Haay. Ayaw niyang pag usapan ang hiwalayan, pero gustong-gusto ko na. Kaya sinabi ko na wala nalang kaming PDA moments.
"Morning Cookies." sabay pisil sa ilong ko. Kanina pa wala si Allen kaya alam kong wala na siya dito. Si Mia at Macky lang ang nandito sa room. Gumagawa din nang assignment. Pare-parehas kaming hindi to nagawa kasi nag final rehearsal pa kagabi. Anong petsa na natapos.
"Hi Cream! Pustahan wala ka pang assignment! Haha. Gawa ka na din." hindi ko na kailangang ifake yung ngiti ko at saya kay Lennon kasi natural tong nararamdaman nang puso ko pag andyan siya.
"Ha! Ano ako, iresponsable tulad niyo?" sabay ayos nang kwelyo. Binatukan ko nga.
"Joke lang. Haha. Tapos na ko talaga."
"Pakopya fafa Lennon!!" sigaw ni Macky.
"Hindi yan nagpapakopya." sabi ko bigla.
"Bakit mo alam? Siguro lagi mong sinusubukang mangopya no! Haha." biro ni Mia.
"Asa. Di ako nangongopya nang assignment. Alam ko lang kasi--"
"Kasi siya nagsabi sakin na wag na wag ko daw ipapakopya kahit kanino ang bagay na pinaghirapan kong gawin." napatingin ako kay Lennon na nakangiti sakin. Naalala pa pala niya yun. Dati ko pang nasabi yun.
"So ano ang peg mo? Boyfriend na sumusunod sa girlfriend na selfish?" bwisit na Mia! Pinangdilatan ko siya pero nag belat lang sakin.
"How I wish." mas nanlaki ang mata ko sa sagot ni Lennon. Hindi ko siya matignan. Pero yung dalawa pinag babato na ko nang mga papel na nilukot habang sumisigaw nang "Kilig naman si ateng!". Kaasar. Kaya nakayuko lang ako at nagtuloy sa assignment ko. Nagtatawanan lang silang tatlo. Mga baliw. Tuwang-tuwa sa mga kalokohan nilang sila lang nageenjoy. Sabagay nag enjoy din naman ako. Hihi. Paasa talaga tong si Lennon. Ayokong seryosohin.
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...